Alexandros blinked his eyes several times. Bahagya siyang nasilaw sa liwanag. Hindi siya pamilyar sa lugar na kinaroroonan niya ngayon. Puting-puti ang paligid, malinis at mabango. Isang pamilyar na tinig ang narinig niya. “So, you’re awake, Major Altamonte. You have been sleeping for almost twenty-four hours. Ang akala namin ay na-coma ka na.” Bahagya niyang ibinaling ang ulo sa tagiliran upang makita ang nagsalita. Si General Domingo ito, nakangiti habang nakatingin sa kaniya. Katabi nito sina Captain Demonteverde at Inspector Montefalco. Saglit na binalikan ng kaniyang utak ang mga nangyari. “Ang ibig ba’ng sabihin nito ay buhay pa ako?” maang na tanong niya. “Of course, Major Altamonte.” Ngumiti muli si General Domingo. “You’re a hard cop. Mahirap iligpit ang isang tulad mo.” “S

