Kinabukasan, bumisita ang parents ulit ni Princess habang si Rachel, Nanny Deli at Amara ang nagbabantay. Hinila ni Amara si Nanny Deli palapit kay Princess kaya sumunod na lang ito at naiwan si Rachel kasama ang parents ni Princess sa lamesa. “Rachel…” paunang tawag ni Queen Kristine at uminom siya nang isang tasang kape. “Po?” sambit ni Rachel na biglang kinabahan dahil tinawag siya nito at dahil alam niya ang sasabihin nito sa kaniya. At ibinaba ni Queen Kristine ang kaniyang tasa, at saka tiningnan ng seryoso si Rachel while her husband is quietly sitting on her side. “Remember what we talked about a weeks ago?” tanong niya as she reminisced. “Sorry po, Tita, nawala na po sa isip ko. Tungkol saan nga po iyon, Tita?” magalang at mabait na tanong ni Rachel na may ngiti sa kaniyang mg

