Kabanata Tatlumpu't Lima Marcus Point of View " Masakit ba?" binigyan ko ng nakakamatay na tingin ang hinayupak na mapang asar na Samaniegong iyon na nakatayo sa tabi ni Kuya Nate. Kasalukuyan kaming nasa sala ng bahay ni Tito Henry. Nakadampi sa aking kanang pisngi ang bulsa de yelo na ibinigay sa akin ng isa sa mga katulong nila dito dahil nagsisismula na iyong mangitim. Hindi ko ininda kanina ang mga tama ng kamao ng mga kapatid ni Maxene pero ang pagsuntok niya sa akin ang damang dama ko. Tangna! sinuntok niya ako dahil kinikilig siya.. kinikilig siya sa akin. HIndi ko malaman kung matatawa ba ako o magagalit o maiinis!! ang g

