Kabanata Dalawamput Siyam Maxene Point of View " Let's go home Misis. I want you for myself now at hindi ko iyon magagawa dito dahil ubod ng kikitid ng mga utak ng mga kasamahan mo. " okay.. anudaw??? hindi na ako nakahuma dahil hatak hatak na niya ako papalabas ng hallway. Hindi alintana ng aking asawa ang aking mga kasamahan na hanggang ngayon ay nakatunganga at nakanganga sa amin. Suspended ako ng dalawang linggo in short nganga ako ngayon. Gustuhin ko mang umapila at makipagtalo pa kay Tanda.. mapapahamak lamang ako.. mas lalong mapapahaba ang pagkasuspinde ko kung ipaglalaban ko pa ang karapatan ko. Peste naman kasi ang malanding babaita na iyon. Wag na wag ko lang siyang makikita ngayong araw na ito at makikita

