Pagkababa ko ng stairs ay dumiretso agad ako sa kitchen at kumuha ng isang bote ng mineral water sa loob ng ref bago diretso itong ininom. Para akong nahapo nang maubos ko ng inom ang isang bote ng tubig. Wala sa sarili akong napakapa sa dibdib ko kung saan banda ang puso ko. s**t. Napakalakas pa rin ng t***k. “No! Stop beating!” Marahas kong ipinilig ang ulo ko at inuntog-untog pa sa ref. “Señorita, ayos lang po ba kayo?” “H-huh?” Para akong natauhan nang marinig ang boses sa likuran ko. Paglingon ko ay may dalawang katulong pala. Napakurap ako. “Ah hehe, oo naman po, manang, ayos lang,” pagngiwi ko at nag-peace sign pa. Pakiramdam ko tuloy ay nagmukha akong iwan. Nakakahiya tuloy. Napangiti na lang sa akin ang dalawang katulong. In fairness ha, marunong na silang ngumiti ngayon kump

