Jeziel's Point of View Ngayong alam na ng pamilya ko ang tungkol kay Theo ay mas lalong gumaan ang pakiramdam ko at nabawasan ang pangungulila sa dibdib ko. Napakasarap sa pakiramdam na makasama ko muli ang anak kong matagal ko nang inaasam na makasama. Nakaupo na ako ngayon sa kama at nakatingin lang sa dalawa kong anak na mahimbing na ang tulog, mukhang napagod sa kakalaro mula kanina. Nakalimutan ko na rin ihatid si Theo sa kanila, siguradong pinaghahanap na ito, pero bahala na. Basta gusto kong makasama ang mga anak ko at makatabi sa pagtulog, kahit ngayong gabi lang makasama ko man lang si baby Theo ko. Nahiga na rin ako at tumabi na sa kanilang dalawa. Nakatulog ako ng may ngiti sa labi. Kinabukasan ay sabay-sabay kaming nag-almusal ng masaya kasama ng pamilya ko, tudo asikaso nam

