Kithin
I woke up earlier today. After I take a bath, I went to Kuya Apollo's room. I knocked on his door several times pero hindi siya sumasagot. His room is locked, too. I was about to call him out loud when one of our maids caught my attention.
"Miss Kith, umalis na si Sir Apollo." aniya.
My forehead creased. I looked at my smartwatch. It's only six in the morning. Malayo ba ang pinagtatrabahuan niya para umalis na siya ng ganito kaaga?
She noticed my confusion that's why she spoke again.
"Maaga talaga siyang umaalis para pumasok sa trabaho." she continued. "Ihahanda ko na ba ang breakfast mo?"
Ngumiti lamang ako sa kanya saka siya nilapitan. She looks older than me, but only for few years. She looks like a teenager
"What's your name?" I asked.
I saw how she became alert with my question. She smiled at me widely while scratching her head.
"M-My name is ano... Mona!" she said with enthusiasm. But she avoided my gazes and murmured something. "Pa'no ba 'to, inglesera."
I giggled. Akala niya siguro ay hindi ako marunong managalog. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. Iminuwestra niya ang kanyang kanang kamay na parang kumakain.
"You eat breakfast na? There's food to the kitchen!"
Tuluyan na akong humalakhak sa sinabi niyang iyon, hindi dahil sa maling grammar niya. Sa America nga, nagkakamali rin ang ilang mga Amerikano sa paggamit ng lenggwahe nila. It's the thought that counts.
Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang pagkalito dahil nangungunot ang noo niya. Until I found no humor in her face. Uh-oh. I think, I offended her?
Tumikhim ako bago lumapit sa kanya. "Sorry. Hindi ko tinatawanan ang pananalita mo. Tara na, bumaba na tayo." ani ko.
Nilagpasan ko na siya roon at bumaba na para tumungo sa kusina. Nasa likod ko lamang siya at tahimik na sinundan ako hanggang sa makarating ako sa dining room. Tinulungan ko siya sa paghahain ng breakfast. I even asked her to join me but she refused.
“Does Kuya usually holds parties like that?” I asked her.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin.
“Ah, pa-minsan-minsan lang, Miss Kith.”
I had witnessed parties with Kuya before but last night was a bit… wild. I guess?
Kararating ko lang galing Amerika. Ramdam ko pa ang jetlag mula sa byahe. Kaya ang resulta, kulang ako sa tulog. At dahil ang body clock ko ay sa kabilang ibayo pa ng mundo, maaga rin akong nagising.
Nilingon ko siya. “Don’t call me Miss Kith. Just call me by my name.” Nakangiting sabi ko.
Marahan siyang tumango. “S-Sige, M-Mi--- Kith.” Aniya.
It’s been days but it seems that Mommy doesn’t think about me, us. I haven’t received any calls and text from her. Daddy seems a little busy, too. Kahit gusto kong lumabas, hindi naman ako pinapayagan ni Kuya ng ako lang, o kahit kasama ko si Mona. Gusto niyang siya ang kasama ko.
I started to get bored. Kaya isang araw, kahit busy si Kuya Apollo sa library ay pinuntahan ko siya.
I knocked the door twice. When I heard him answered it, marahan kong binuksan ang pintuan.
“Can I come inside?” I asked. Nasa bungad pa ako ng pintuan.
Tiningnan niya ako bago siya tipid na ngumiti at tumango sa akin ng minsan.
I gently closed the door. Ibinalik niya ang tingin sa kanyang laptop kahit na nakalapit na ako sa kanya.
“Kuya, can I go to Daddy?” I asked.
“Why?” he asked back. His eyes never leave on the screen.
“I… uh…” I stuttered.
Tumigil siya sa pagtipa sa kanyang laptop at tuluyan na akong hinarap.
“Daddy is at work.” He simply said.
“Even on Sundays?” I asked in shock.
He nodded and rested his back on the swivel chair.
“Why do you want to go with him, anyway?” he asked again.
I grimaced because I can’t take the boredom anymore! Alam kong matagal na ang huling uwi ko rito sa Pilipinas pero hindi naman ako maliligaw dito!
He only chuckled. Isinara niya na ang kanyang laptop at saka bumangon.
“Get yourself ready, Kith. Lalabas tayo.” Nakangiting sabi niya.
Excited akong lumabas ng opisina niya. Finally! Makakalabas din ako. Ang huling labas namin ni Kuya Apollo ay noong nagyaya siyang mag-dinner. After noon, umuwi lang din kami agad.
Binabaybay na namin ang daan palabas sa subdivision. I am wearing a white spaghetti strap blouse, faded maong mini skirt and a pair of white sneakers. Pinatungan ko na lang ng maong jacket ang pang-itaas dahil nagalit sa akin si Kuya Apollo. Nagtalo pa kaming dalawa dahil ayaw niya sa suot ko.
I saw him glanced at me a couple of times while driving. Ako naman ay nag-eenjoy sa pagtanaw sa labas ng bintana ko.
“What is it?” Maarteng tanong ko sa kanya.
He sighed and continued driving.
“Do you always dress like that back home?” he asked with his restraint voice.
Humalakhak ako sa kanyang tanong. Here we go again.
“What’s wrong with my clothes, Kuya?”
“Your skirt’s too short. Sumisilip na ang mga hita mo!” he blurted out.
“That’s why it’s called mini skirt!”
“Kahit na! You should have wear longer skirts o kaya ay nag-jeans ka na lang!”
I crossed my arms. “Ang istrikto mo! Mommy doesn’t even care what I wear, as long as I don’t go out in the streets naked!”
Tumigil kami dahil red light sa kahabaan ng EDSA.
“That’s why I’m here. Hindi na babalik si Mommy sa atin. Hangga’t nasa poder kita, you will live by my rules.”
Natigilan ako sa narinig. He mentioned Mommy. At ano’ng sinasabi niyang hindi na babalik si Mommy sa amin?
That’s impossible. Mommy loves us so much. I understand the fact that she went with another man. But she clearly told me that she’ll take me back when everything’s okay.
I don’t want my parents to split up. Who would want a broken family? But I’d rather want them to separate than to continue their toxic relationship.
I’m done witnessing how they raised each other’s voice every time they fight.
Hindi na ako nakipagtalo sa kanya. Naging tahimik na ulit ang biyahe namin. Ang sabi niya’y may dadaanan pa raw siyang kaibigan. May iaabot lang daw na files bago kami mamasyal.
Iniliko niya ang sasakyan sa isang building. Dito ba muna kami pupunta? I think it’s a condominium. It looks like exclusive, though.
“You can stay here in the car if you want. I’ll be quick.” Aniya matapos niyang i-park ang sasakyan sa basement. He unbuckled his seatbelt at saka may inabot na files sa backseat.
I unbuckled my seatbelt, too. “Nope. I’m going with you.” I said.
Nauna pa akong bumaba sa kanya sa sasakyan. Nang makababa na rin siya ay sabay naming tinahak ang elevator paakyat sa unit ng taong sadya niya.
“The guard did not ask for your ID? Madalas ka ba rito?” I asked.
“Nope. I have a unit here, that’s why.” He answered while he’s busy with his phone.
Hindi na ako nagulat sa nalaman. He may not be under Daddy’s wing but I know how big he earns. Pero siyempre, hindi iyon mapapantayan sa kinikita ng mga Kuya ko. They ruled the whole company. Daddy wants him to be part of it, too but knowing Kuya Apollo, mas mataas pa sa building na ito ang pride niya.
I smirked. Anak nga talaga siya ni Simon Villanueva.
Tinungo namin ang unit ng taong pupuntahan namin. Kuya knocked twice but no one responded.
“May tao ba diyan?” tanong ko.
Nilingon niya akoat saka kinuha ang kanyang cellphone. “Meron. He asked me to bring these documents to him.” Aniya at saka inilagay sa tenga ang kanyang phone.
“Open the door.” I heard him the paused for a while “…damn you, Ortega. You told me earlier to bring these documents to you. Were you so sated with Lizz last night that you forgot about it?”
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Who is he talking to? Are they talking about…
Nilingon ko si Kuya. Nakatingin pa rin siya sa pintuan nang kung sinong may-ari ng unit nang biglang bumukas ang pinto!
Napatalon pa ako sa gulat! The man in front of us is only wearing his boxer shorts! Nakalantad ang buong katawan niya sa amin. His hair is dishelved, mukhang kagigising lang. Pupungas-pungas pa siya nang humarap sa amin.
Suddenly, my eyes landed on his face. He’s somewhat familiar. My heart thumped when I realized that he was with Kuya Apollo last night!
Siya iyong lalaking out of place ang outfit sa party kagabi!
Agad tinakpan ni Kuya Apollo ang mga mata ko gamit ang kamay niya! Sa gulat ko ay bahagya pa akong pumiglas. Pero sa laki ni Kuya ay walang nagawa ang pagpalag ko. I held his hand and wriggled so I can lose his grip.
“Kuya! My glasses!” I said. Baka mabasag iyon dahil madiin ang pagpulupot ng kamay niya sa ulo ko.
“Go get dressed, Andrew! I’m with my sister!” at saka inalis sa aking mata ang eye glasses ko.
He only laughed with what my brother said. Ako naman ay tumigil na rin sa pagpalag. Inalalayan niya ako papasok sa loob ng unit dahil nakatakip pa rin ang mga kamay ko gamit ang mga palad niya.
“I shouldn’t bring you here.” Bulong niya sa akin.
I laughed at him. So what if I see his friend almost naked? Sa beach nga, naka-trunks lang yung mga lalaking naliligo ron! There’s no difference, anyway.
Pumiglas ako mula sa pagkakahawak niya sa aking ulo. Medyo nakampante siyang hindi na ako papalag kaya nang magkaroon ako ng pagkakataon ay nakawala ako sa hawak niya.
“Kithin!”
I giggled so much nang makawala ako. My sight’s a little blurry dahil hindi ko suot ang aking salamin at medyo napahigpit ang pagkakapikit ko sa aking mga mata. When I saw in my vision that he’s after me, mabilis akong umatras para umiwas sa kanya.
Not until I felt something I stepped in. Pabilog yon. Parang bote. And the last thing I remember before I heard myself screaming is when I felt my body was thrown in mid-air!
I closed my eyes! Ine-expect ko nang babagsak ako sa sahig. Ni-ready ko na ang sarili kong masaktan ang katawan ko sa pagbagsak at kahihiyang makukuha ko dahil sa mangyayari. In a split second, I thought it all.
Pero hindi ko naramdamang bumagsak ako sa sahig. Bagkus, nabitin ang lahat ng naiisip ko dahil ramdam ko ang mga brasong pumulupot sa katawan ko.
“Damn, your heavy!” anas niya.
Nakapikit pa rin ako nang marinig ko kung sino ang nagsalita. I heard Kuya Apollo’s curses. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko para makita kung sino ang nakasalo sa akin. May kalabuan man ang mga mata ko pero sigurado ako kung sino iyon.
It’s Andrew Ortega!