Chapter 12

1899 Words
Chapter 12 Drixx's POV "Clarissa, come to my office now." Maawtoridad kong sabi sa aking sekretarya sa intercom. Segundo lang ay nasa loob na ito ng aking opisina. "Did you call Mr. Aragin?" tanong ko rito na hindi ito sinusulyapan dahil nakatutok ang mata ko sa screen ng aking laptop. "I was about to call him sir nung tumawag po kayo," sabi nito. Awtomatikong napatingin ako rito at tinaasan ito ng kilay. "Next time, kapag sinabi ko na tawagan mo na ay gawin mo agad. Hindi ba at kanina pang umaga kita inutusan na tawagan siya?" sermon ko sa sekretarya ko. "O-opo sir, pero kasi may mga pinagawa po kayo kaya hindi ko na-" "Gusto mo bang sisantehin kita ngayon mismo? I don't need that kind of explanation. Call him, now!" singhal ko rito. Nagmamadali naman itong lumabas sa aking opisina. Isa sa pinakaayaw ko ang hindi agad sinusunod ang utos ko. I heaved out a deep sigh. Nakapamulsang tumayo ako at tumanaw sa labas mula sa wall glass. Anim na taon na ang nakalilipas pero hindi pa rin siya maalis sa isipan ko. She was so hard to forget. That was the first time I felt that I am existing when my sister's passed away. Nang mamatay ang kapatid ko ay parang hindi ko na naramdaman ang presensya ng magulang ko. Bagamat may pagkakataon na kinakausap ako ng mama ko ay hindi ko maramdaman na miss niya ako. Kahit hindi nila sabihin ay alam ko na sinisisi nila ako sa pagkamatay ni Danya. Kaya siguro natuto na rin akong tumayo sa sarili kong mga paa na hindi umaasa sa mga magulang ko. Mabuti na lamang at may mga kaibigan ako na parating nand'yan para samahan ako. Marami akong alam na kalokohan at alam ng kaibigan ko ang mga iyon. Sa akin lahat nanggagaling ang mga ideya na sinasang-ayunan naman nila. I was also friendly at hindi ako 'yung tipong pangingilagan ng tao. Palangiti akong tao pero sa kabila ng ngiting iyon ay nagtatago ang isang kalungkutan. Mahabang panahon na para lang akong hangin sa mga magulang ko. Naiintindihan ko sila kung bakit ganun ang trato nila sa akin. Kaya nga kahit hindi ko sila maramdaman ay dinadaan ko na lang sa kalokohan ang lahat. But when I met her. f**k! My world turns upside down. I felt that I am existing. Pero naglaho na lang s'ya na parang bula. Dalawa na sa kaibigan ko ang natagpuan ang matagal na nilang hinahanap. Pero heto ako, still searching. Hindi ako sigurado kung may halong biro ang sinabi ni Zick na may alam siya tungkol kay Mierve. Pero kapag nalaman ko talaga na may alam siya, susugurin ko talaga siya ng suntok kahit sa harap pa ng asawa niya. Napukaw ang aking pag-iisip ng tumunog ang aking intercom. Tinungo ko ang aking office table at sinagot iyon. "Sir, sinabihan ko na po si Mr. Aragin. Hintayin na lang daw po kayo bukas." Sabi ng aking sekretarya. "Good," sambit ko. Isa sa Mall na hawak ng aking kompanya ay ang Han Shopping Mall. Ilang beses ko na iyon napuntahan pero sandali lamang ako. Bibisitahin ko ulit para alamin na rin ang mga concerns ng Branch Manager at ang mga concerns ng mga nagta-trabaho sa Mall. Hanggat maaari ay ayaw kong makakarinig ng reklamo sa mga empleyado lalo na kung hinaing sa sahud. Mayroon kasing direct company kaya ayaw kong makakarinig na nagkukulang ang sahod ng empleyado ko. Sa awa naman ng Diyos ay wala pa akong naririnig na nagreklamo dahil lang sa sahod. Mabuti na lamang at tapat magtrabaho ang mga nasa accounting. Alam kasi nila ang posibleng mangyari. Kapag may dumating sa akin na balita na nagkaproblema sa sahod ang empleyado ay hindi ako mangingiming sisantehin ang nasa likod nito. Hindi lang basta sisante ang aabutin kun'di babayaran nila ang perang nawala na dapat ay mapupunta sa tamang tao. Kung hindi nila kayang bayaran ay sa kulungan ang bagsak nila. Kinabukasan ay maaga akong gumayak para maaga akong makarating sa Mall. Malapit lang naman ang Mall sa Hanford Tower Building ko saan ang condo ko. Excited na akong puntahan ang isa sa Mall na pag-aari ko. Hindi naman ako dating ganito. Pero iba ang nararamdaman kong excitement ngayon. Siguro ay dahil magpapasaya ako ng mga empleyado lalo na ang hawak ng company ko. Ibabalita ko kasi sa kanila na mag-i-increase na ang sahod nila. Tama lang naman na tumaas ang sahod nila dahil tumataas din ang sales ng Mall. Gusto ko iparanas sa kanila na importante sila sa akin. Hindi lang sila basta empleyado ko kun'di pamilya ko na rin sila. Kung tutuusin ay may dapat na gumawa para sa akin nito. Pero iba ang excitement na lumulukob sa aking pagkatao sa tuwing iisipin ko na pupunta ako sa Han Shopping Mall. Pinarada ko ang aking sasakyan sa parking area ng Mall. Sinalubong naman ako ni Kuya Rolly, ang matagal ng guard sa mall. "Good morning sir," nakangiting bati nito sa akin. "Kumusta po?" bagkus ay sabi ko rito at inakbayan ito. "Okay lang po, sir. Salamat nga po pala sa grocery na binigay n'yo sa amin ng asawa ko. Malaking tulong po iyon lalo na at nawalan na ng trabaho ang misis ko." Sabi nito at nahihiyang nag-iwas ng tingin. Nalubog kasi sa utang ang pinapasukang pabrika ng asawa nito kaya hirap ito kung saan kukuha ng gastusin sa pang-araw-araw lalo na at lima ang anak nito. Hindi kaya kapag ito lang ang may trabaho kaya ng makarating sa akin na may problema ito ay hindi ako nagdalawang isip na bigyan ito ng mapagkakakitaan. "Wala 'yon. Basta kapag may problema ay huwag kayong mag-aatubiling lapitan ako. Huwag lang mamihasa, baka tayo naman ang ma-bankrupt." Biro ko. Nagkakamot na tumawa ito ng mahina. Nakapasok na ako sa lift ay sumaludo pa ito sa akin. "Pagpalain pa sana kayo sir sa kabaitan n'yo. Sana makita n'yo na rin ang hinahanap n'yo. Araw-araw ako nagdarasal na makita n'yo na ang magpapaligaya sa inyo." Nakangiti nitong wika bagamat naroon ang puno ng sensiredad sa mga binitawan nitong salita. Ang ngiti ko sa labi na kanina lang ay binigay ko kay Kuya Rolly, ngayon ay unti-unting naglaho. Kaya ayaw ko ang mag-isa. Bumabalot ang kalungkutan sa buong pagkatao ko. Pagdating ko sa ikatlong palapag ng Mall ay sinalubong ako ng Branch Manager na si Mr. Rodolf Argarin. Bagay na Rodolf ang pangalan nito dahil bukod sa malaki ang ilong nito ay namumula pa ito. "Good morning sir," masiglang bati nito sa akin. "Nasa loob na ba ang lahat ng morning shift?" tanong ko habang naglalakad. Nakasunod ito sa akin at ang bawat manager ng department. Pati na rin ang supervisor na may hawak sa mga manager. "May iba pa po na wala pa. Pero parating na rin ang mga iyon." Sagot nito. "Good. Pakitipon silang lahat sa counter 12," utos ko. Mabilis naman agad itong tumalima. Tinungo ko na rin ang counter 12 kung saan madalas ako magpatawag ng peptalk sa mga Sales Representative ng Mall. Pagkatapos nito ay sa supermarket naman ako pupunta. Tumayo ako sa gitna at hinintay ko na dumating ang mga empleyado. Sa dami nila ay ang tahimik kanina lang sa pwesto ko ngayon ay biglang parang may bubuyog na nagbubulungan. Ang iba ay impit na tumili at naghagikgikan ng makita ako. "Good morning," masigla kong bati sa mga ito. "Good morning sir!" sabay-sabay na tugon naman ng mga ito. "Before I start. I just want to say thank you for all the hard work. Hindi kayo nagsasawang magtrabaho sa Mall. Halos ang iba sa inyo ay dito na inugatan. Hindi magiging malaki ang sales natin kung hindi dahil sa inyo," puri ko sa mga ito. Hindi nawawala ang ngiti ng mga ito lalo na ng mga kababaihan. May napansin pa nga ako na titig na titig sa akin. Ang iba ay tila nagpa-cute at ang iba ay nakaawang pa ang bibig sa pagkakatitig sa akin. Sa mga nakakita na sa akin ay natural na lang sa kanila ang humanga sa hitsura ko. Pero ang mga hindi pamilyar sa akin ang mukha ay tila nakakita ng isang nilalang na hindi makapaniwala na may nag-i-exist pala. Baka mga bagong empleyado ang mga ito kaya ganito na lamang ang reaksyon nila ng makita ako. "Well, nandito ako para sabihin sa inyo na sa darating na buwan ay mag-i-increase na ang salary ninyo." Masigla kong balita sa mga ito. Lalo pang lumawak ang pagkakangiti ko ng marinig ko sa mga ito ang walang humpay na pasasalamat sa sinabi ko. Alam kong kulang pa ang magandang balitang iyon. Kaya sa darating na event ng Mall ay mas lalo ko pang pasisiyahin ang mga ito. Napansin ko na may iba pang humahabol sa peptalk. Siguro ay si Mr. Argarin na lang ang uulit sa sinabi ko sa mga bagong dating. "Any suggestions para mas lalo pa natin mapalaki ang sales natin? Alam ko na marami kayong strategies dahil mas may alam kayo sa pagbibenta ng products na hawak n'yo. Gagawin n'yo ang lahat para lang hindi umalis si customer na walang bitbit na items. Huwag lang na bitbit dahil ninanakaw na pala ni customer ang items, ha." Biro ko sa mga ito na nagsimula ng tawanan. Ever since na kapag tinitipon ko sila ay hindi nawawala ang pagbibiro ko sa mga ito. Ayaw kong pangilagan nila ako dahil sa pagiging seryoso ko. Mayroong isang nagtaas ng kamay. Hinintay ko naman ito magsalita. Bago ito sumagot ay ngumiti ito ng pagkatami-tamis kasabay ng pag-ipit ng buhok nito sa tenga. "Sir, pwede po bang ikaw na lang ang bentahan namin. Mas gaganahan kaming magbenta kung kayo ang customer namin. Ang pogi n'yo po kasi." Sabi nito at impit na tumili. Sinabayan ito ng hiyawan lalo na ng mga kababaihan. Natawa naman ako sa sinabi nito. Napakamot na lang ako sa ulo habang nakangiti sa hindi matapos-tapos na tuksuhan. Natigilan ako ng may mahagip akong pamilyar na mukha. Biglang sumikdo ang puso ko ng makita ko ang bultong iyon. Hila nito ang isang babae na nagmamadali tunguhin ang pwesto ng karamihan. "Damn it, impossible," kontra ng bahagi ng utak ko. "O kaya naman sir, kung madalas kayong pumapasyal dito sa mall ay mas lalo kaming sisipagin na mag-benta. Kahit mag-split pa kami sa harap ng customer ay gagawin namin. Basta po nandito kayo palagi." Dugtong naman ng isa pa. Muling nag umapaw ang tuksuhan sa sinabing iyon ng isang Sales Representative ngunit hindi na nakatuon sa kanila ang atensyon ko. Nilibot ko ang aking mata para makita ko siyang muli. Gusto kong makasiguro na tama nga ang nakita ko at hindi lamang ako namamalikmata. Then my heartbeat stopped. Kitang-kita ng dalawang mata ko mula sa maliit na espasyo ng bahagyang gumalaw ang tao na nasa unahan ng babaeng matagal kong pinanabikan. Walang pinagbago ang mga ngiti nito. Walang pagbabago ang epekto niya sa'kin She always makes my heartbeat fast. Namalayan ko na lang ang sarili na naglalakad papalapit sa kan'ya. Hindi ko na naririnig ang mga taong nakapaligid sa'kin dahil ang buong atensyon ko ay nakatuon lamang sa kan'ya. Dahil abala siya sa pakikipagkwentuhan sa katabi niya ay hindi niya napansin ang presensya ko. She was so beautiful wearing her uniform. Pero mas maganda kung isang magandang puting damit ang suot niya habang naglalakad sa aisle ng simbahan. Nakapamulsang huminto ako hindi kalayuan sa kan'ya. "Finally, I found you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD