Chapter 17
Mierve's POV
Gusto ko humagalpak ng tawa dahil sa nakikita ko. Nakanguso at salubong ang kilay ng katabi ko habang pinapanuod ang nasa cellphone ko. Hindi ko alam kung may naiintindihan ba ito sa sinasabi ng bawat karakter na nasa palabas pero tulad ko na sa tingin ko ay sa subtitle lang nakatuon ang atensyon nito.
Tila nagustuhan naman nito ang palabas kaya ang buong atensyon nito ay nakatuon naman sa pinapanuod. Hindi nga ako nito pinansin ng umalis ako sa tabi nito at nagtungo sa banyo.
"Ay kabayo!" bulalas ko ng makita ko itong nakapamulsang nakatayo sa labas ng banyo. Parang lumabas yata ang puso ko sa gulat. Seryoso lamang itong nakatingin sa akin.
"Bakit ka naman nakatayo riyan? Nagulat naman ako sa'yo," sabi ko saka ito nilagpasan.
"Akala ko kasi kung saan ka pumunta. Hindi mo man lang ako sinabihan na aalis ka," tila nagtatampo na sabi nito.
"Busy ka kasi kaya hindi na kita inistorbo. Isa pa, sa banyo lang naman po ako pumunta." Paliwanag ko rito at naupo ng muli sa upuan.
Kinuha ko ang cellphone ko na pinatong nito sa lamesita saka ito sinulyapan. Seryoso pa rin ang mukha nito ng umupo ito hindi kalayuan sa akin.
"Ayaw mo na manuod?" tanong ko rito. Hinintay ko itong sumagot ngunit segundo na ang nakalilipas ay wala pa rin itong tugon. Hinayaan ko na lamang ito sa pananahimik nito.
Nilagay ko ang earphone sa aking tenga at sinimulan ko ng panuorin ang paborito ko. Hindi talaga ako nagsasawang panuorin ang Love in the Moonlight lalo na at parehong paborito ko ang bida. Palagi na lang akong kinikilig sa eksena ng dalawang bida.
Sa gilid ng mata ko ay napansin ko na sinulyapan ako ni Drixx. Kapagkuwa'y dinig ko ang mabigat na buntong hininga nito dahil hindi ko naman nilagay ang isang earphone sa aking kabilang tainga.
Lumapit ito sa akin at hinawakan ang isang kamay ko. Kapagkuwa'y pinagsalikop ang mga kamay namin saka sumandal sa sofa. Hinayaan ko lang ito at nanatili lamang na nakatuon ang atensyon ko sa pinapanuod ko.
Nang matapos ko ang isang episode ay tinapunan ko ng tingin ang katabi ko dahil tahimik na ito. Para namang hinaplos ang puso ko ng makita kong nakapikit ito.
Nagpakawala ako ng buntong hininga. Ni-off ko na ang cellphone ko saka nilapag sa lamesita. Marahan akong gumalaw at hinawakan ang kabilang gilid ng ulo nito para ihilig sa balikat ko. Narinig ko ang mahinang ungol nito ngunit nanatiling nakapakit. Pagod na pagod siguro ito sa trabaho nito.
Sinandal ko ang ulo ko sa sofa saka pumikit. Pinakiramdam ko si Drixx ngunit tila mahimbing na itong natutulog. Hinayaan ko na lamang ito. Ayaw ko na itong gisingin. Hihintayin ko na lamang na magising ito.
Masarap sa pakiramdam ang magmahal lalo na at kasama mo ang mahal mo. Katulad ngayon, katabi ko lang ang mahal ko. Hindi lang ako makapaniwala na kasama ko na si Drixx. Ngunit nasa puso ko pa rin ang takot sa oras na malaman nito ang katotohanan. Mag-iipon lang muna ako ng lakas ng loob bago ko sabihin sa kan'ya.
Naramdaman kong gumalaw ito ngunit nanatili lamang akong nakapikit dahil unti-unti na rin akong ginugupo ng antok. Hanggang sa maramdaman ko ang mainit na dumadampi sa mukha ko. Kalauna'y lumipat sa puno ng tenga ko. Bahagya akong nakiliti kaya napangiti ako kahit nakapikit ako.
"I love you…" he huskily whispered in my ears.
"I love you too," tugon ko na nanatiling nakapikit.
Dinampian ako nito ng halik sa aking pisngi. Ilang beses nito iyon ginawa ngunit nanatili lamang akong nakapikit. Baka kasi iniinis lang ako nito para dumilat ako. Pero dahil inaantok na talaga ako ay hinayaan ko siya sa kan'yang ginagawa.
Hanggang sa naramdaman ko ang paghalik niya sa aking leeg. Ang buong akala ko ay dampi lamang iyon ngunit nagtuloy-tuloy na at tinanggal na niya ang magkasalikop naming mga kamay. Umikot ang braso niya sa t'yan ko at naramdaman ko ang mainit na palad niya sa ilalim ng suot kong damit. Doon ay nagmulat na ako ng mata. Namumungay ang mata nito ng sulyapan ko.
"Ano'ng kailangan mo?" kunot noong tanong ko. Pilyo lamang itong ngumiti.
Hinawakan ako nito sa bewang at inalalayan tumayo. Kapagkuwa'y pinaupo ako nito sa kandungan nito. Dinampian ako nito ng halik sa labi saka matamis na ngumiti.
"I just want to kiss you more and more. Baka kasi mawala ka na naman bigla. At least, nakarami na ako ng halik sa'yo." Sabi nito at muling ngumiti. Ngumuso naman ako saka kinurot ito sa tagiliran.
"Para-paraan ka rin ano?" nakasimangot kong turan.
"Mahal lang kasi kita. I love you, Mier. Can I call you, misis ko? Please?" parang bata na pakiusap nito sa akin.
"Bakit naman kasi misis, eh, hindi pa naman tayo mag-asawa?" nagtataka kong tanong rito.
"Ikaw na kasi ang nakikita kong future misis ko. Kaya, sige na, pumayag ka na, please..." sabi nito at nagmamakaawang tumingin sa 'kin. Ngumiti lamang ako at niyakap ito ng mahigpit.
"Okay," tipid kong tugon.
"Yes," mahina ngunit may diin na sabi nito. "May isa pa pala." Dugtong pa nito.
"Ano?"
"Give me your hand," sabi nito.
Kahit naguguluhan ay tinanggal ko ang braso ko na nakapulupot sa leeg nito at inabot rito ang isang kamay ko. Hinawakan nito iyon saka may kinuha sa bulsa ng pantalon nito. Nakamasid lamang ako sa ginagawa nito. Kunot ang noo ng makita ko ang kulay pulang maliit na kaheta na nilabas nito mula sa bulsa ng pantalon. Napaawang naman ang bibig ko ng makita ko ang laman niyon.
"D-Drixx, a-ano 'yan?" inosente kong tanong na nanatiling nakatingin sa laman ng kaheta.
Gusto ko batukan ang sarili dahil sa tanong kong iyon. Alam ko kung ano ang bagay na maaaring laman ng kahetang hawak ni Drixx. Pero bakit pinapakita niya ito sa akin?
Tinanggal nito ang sa tingin ko na mamahaling singsing sa loob ng kaheta. Hindi ako nakahuma ng nilagay nito sa aking palasinsingan ang singsing.
Nailagay na niya sa daliri ko ang singsing ngunit nanatili pa rin akong nakatingin sa daliri ko. Hindi ako makapaniwala na may nakasuot na singsing sa palasinsingan ko.
"I told you, ikaw na ang nakikita kong future wife ko. Engaged ka na sa 'kin, wala ng pwedeng umaligid sa'yo, hmm?" sabi nito na hinawakan ang baba ko at tinapat rito ang mukha ko.
Nag-init ang mata ko. Unti-unting nangilid ang luha ko. Hindi pa rin ako makapagsalita dahil para akong lumulutang sa alapaap.
Kailan lang kami nagkita. Kailan lang nagtapat kami ng nararamdaman namin para sa isa't-isa. Tapos biglang engaged na ako sa kan'ya. Napakabilis ng pangyayari pero kahit may agam-agam pa rin ako ay tumango ako kasabay ng pagtulo ng luha ko.
Hinampas ko ito sa balikat nang punasan niya ang naglandas kong luha. Bagamat nagtataka ito sa ginawa ko ay nakangiti lamang itong nakatingin sa akin.
"Nakakainis ka alam mo ba ' yon? Ginugulat mo 'ko palagi. Ang bilis-bilis mo. Hindi mo na nga ako niligawan tapos engaged na agad ako sa'yo," reklamo ko saka kinurot ito sa tagiliran. Natatawa naman itong hinawakan ang kamay ko.
"Alam mo ba kung ano ang dahilan kung bakit minamadali ko ang lahat?" sabi nito saka makahulugang ngumiti. Dahil na-curious ako sa dahilan nito ay gusto ko rin malaman kung bakit nga ba minamadali nito ang lahat sa aming dalawa.
"Ano?"
Hinawakan nito ng dalawang kamay ang mukha at nilapit sa mukha niya.
"Because not just I love you, it's because that I want to own you. I am badly want to own you, misis ko. Magagawa ko lang 'yon kapag kasal na tayo. Kailangan ko pa rin sumunod sa tradisyon. Kung ibang lalaki lang ako ay baka hindi na ako nakapagpigil. May respeto ako sa'yo at kay Tatay Mike. Kaya hanggat maaari ay pipigilan ko ang sarili ko because I love you, misis ko. Gustong-gusto na kitang maangkin pero kakayanin ko, huwag lang mawala ang tiwala mo sa akin at ni Tatay Mike." Puno ng sensiredad na sabi nito.
"D-Drixx," tanging nasambit ko.
Mabilis ko itong niyakap habang walang tigil na umaagos ang luha ko. Napakasaya ko. Walang makakatumbas ng saya na nararanasan ko ngayon.
Batid ko na may kapalit itong kasiyahan ko ngunit gusto ko muna maranasan kung paano ang maging masaya sa piling ng taong mahal ko. Wala na akong mahihiling pa. Ang makasama si Drixx ay ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko.
"Uuwi na ako, misis ko para makapagpahinga ka na rin. Ano'ng oras ka aalis bukas?" tanong nito habang dinadampian ako ng halik sa aking balikat.
"Seven sharp, umaalis na ako." Tugon ko habang sinisipat ang daliri ko na may singsing. Naninibago kasi ako na may nakasuot sa daliri ko.
"Okay, I'll fetch you at seven sharp," sabi nito saka tumayo.
Tila may bumalot naman na lungkot sa buo kong pagkatao dahil uuwi na ito. Akma itong tatalikod ng humarang ako sa daan nito at niyakap ito. Natatawa naman ito na tinugon ako ng yakap.
"Dito na nga ako matutulog ayaw mo naman," sabi nito.
"Hindi nga kasi pwede," tugon ko.
"Madali naman ako kausap kapag misis ko ang may sabi. Mahirap na rin kapag dito ako natulog kasi baka hindi na ako makapagpigil," pagbibiro nito na pareho namin ikinatawa.
Kumalas na ako sa pagkakayakap nito at umangkla na sa braso nito. Kapagkuwa'y hinila ko na ito patungong pinto.
"Ihahatid na kita sa labas," sabi ko.
Pipihitin ko na sana ang seradora ng pintuan ng tinanggal niya ang braso ko sa pagkakaangkla at marahan akong sinandal sa pinto saka tinukod ang dalawang kamay sa hamba ng pintuan para hindi ako makaalis. Nagtatanong naman ang mata na sinulyapan ko ito.
"Pauuwiin mo na talaga ako?" tila hindi makapaniwala na seryoso nitong tanong.
Makahulugan akong ngumiti saka tumango. "Opo, mister ko," sagot ko.
Kumunot ang noo nito at nilapit pa ang mukha nito sa akin. Ako naman itong wala ng maatrasan dahil nakasandal ako sa pintuan ay nanatili lamang na nakatayo at hindi na makagalaw.
"Are you sure?" tanong nitong muli. Tumango lamang ako bilang tugon.
Dinig ko ang buntong hininga nito kasabay ng pagtanggal ng nakatukod nitong mga kamay. Ako naman ay yumuko. Tatalikuran ko na sana ito ng muli ako nitong pinihit paharap at siniil ng isang malalim na halik. Wala na akong nagawa kun'di ang magpatangay sa ginagawad nitong halik.
Dumapo ang dalawang kamay nito sa aking bewang at parang walang kahirap-hirap na binuhat ako nito na parang bata. Nanatili akong nakasandal sa pintuan at mahigpit na nakakapit ang dalawang hita ko sa bewang nito habang hindi inaalis ang mga labi nito sa labi ko. Pinulupot ko ang mga braso sa leeg nito ng maglakad ito habang buhat ako.
Naramdaman ko na lang ng paglapat ng likuran ko sa sofa. Lumalim pa ang halik ni Drixx. Unti-unti na ring naglalakbay ang kamay nito. Mula sa aking hita paitaas. Pumailalim ang kamay nito sa suot kong damit at tila napapaso ang balat ko sa bawat pagdampi ng mainit nitong palad sa aking katawan.
Gusto ko naman mag-protesta ng tanggalin nito ang labi sa labi ko. Hinabol ko pa nga iyon ngunit hindi ko na nagawa.
"Just stay here. Baka hindi ko na makontrol ang sarili ko kapag sinamahan mo pa akong lumabas. Dito ka na lang, okay. I love you, misis ko. I'll call when I'm home. Goodnight." Sabi nito at mabilis akong dinampian ng halik sa labi saka tumayo.
Nakalabas na si Drixx ay nanatili pa rin akong tulala. Yung init ng katawan ko ay hindi nawawala. Nahimasmasan lang ako ng mapansin kong lumabas si Mandy sa kwarto. Sa gilid ng mata ko ay nilapitan ako nito. Tumayo ito at nilapit ang mukha sa akin at nakangising ngumiti.
"Masarap ate?" makahulugang tanong nito. Nanlalaki ang mata na bumangon ako para sana kurutin ang magaling kong kapatid ngunit mabilis itong kumaripas ng takbo papasok sa kwarto.
Baliw talaga ang kapatid kong iyon. Hindi ko alam kung nakita niya o may ideya na siya kung ano ang ginawa namin ni Drixx.
Bumuga ako ng hangin saka tinapik-tapik ang pisngi ko. Saka ko lang napagtanto na nag-iinit ang mukha ko. Sa pagkapahiya ba sa kapatid ko o sa ginawa namin ni Drixx?