“Late na ako!” Halos pa sigaw na sabi ni Nicole nang pag mulat ng mata ay bumungad sa kanya ang orasan na nag sasabing pasado alas nueve na ng umaga. Mabilis siyang bumangon para lamang muling bumalik sa higaan nang bukod sa masakit ang ulo at katawan niya na sa tingin niya ay mukhang hindi pa rin maka bawi sa pananakit ng kanyang tiyang at ng pinsan niyang si Lucy ay naramdaman niya rin ang malaking brasong naka dagan sa baywang niya, agad na nalipat ang tingin niya sa lalaking katabi niya na himbing na himbing sa pag tulog. Bakit ba hindi niya naalalang pinili nga pala ni Alexander na sa tabi niya matulog kagabi? Nawala lang marahil sa isip niya dahil sa isiping late na siya sa trabaho nakatuon ang kanyang pansin. Sandaling tumigil sa pag kilos si Nicole para pag masdan ang gwa

