Mataas na ang araw nang magising si Nicole, agad pa siyang nag kumahog na bumangon nang makitang wala sa tabi niya si Alexander na kagabi lamang ay walang malay sa kalasingan. Inilibot niya pa ang tingin sa kabuoan ng silid ng binata ngunit wala siyang nakitang bakas ni Alexander doon. Gusto niya mang hanapin pa ang kanyang boss ay hindi na iyon ang dapat niyang unahin ngayon ilang minuto na lamang kasi ay late na siya sa trabaho, kailangan niya nang mag ayos lalo pa at mukhang kailangan niya nang makapag ipon agad para maka alis na rin siya agad dito at makalipat sa ibang matutuluyan. Mapait siyang napa ngiti nang maalala ang naging drama niya kasama ang sinungaling na girlfriend ng kanyang boss kagabi, masakit man isipin na darating ang panahong siya ang mababalewala kung papipilii

