Halos manginig ang mga tuhod ni Nicole nang maka balik siya sa opisina para kunin ang kanyang mga gamit. Utos din kasi ni sir Luis Montefalco na umuwi na muna siya ngayon at ipahinga ang araw at pagka tapos ng isang lingo na din ay hindi na siya papasok bilang EA ng CEO kundi isa nang engineer. Lalo lamang nag wala ang kanyang puso nang makita si Alexander na naka upo sa swivel chair nito. Nag aalala ang agad na tingin nito sa kanya at sa halip na pansinin ay pinili niya na lamang itong talikuran at lumapit sa kanyang lamesa para kunin ang lahat ng kanyang mga gamit. Ramam niya ang pag kilos ni Alexander mula sa kinauupuan maging ang tunog ng sapatos nitong papalapit sa kanya. “Nicole-“ “Ah ano, uhm dadaan lang ako sa bahay mo para kunin ang ilang mga gamit ko, aalis rin ako ag

