Dalawang oras na ang lumipas mula noong maka uwi sila ni Leah mula sa mall na iyon ngunit hindi pa rin mawala ang kaba ni Nicole mula sa maikling oras na pag uusap nila ni Alexander, hindi niya naisip o inasahan na magkikita sila doon ng binata at lalong hindi niya na kailanman inasahan na makikita nito ang pag bubuntis niya. At dahil hindi niya na inasahan pa iyon ay hindi niya na napag handaan ang dapat niyang sabihin kung sakaling mag kikita sila at malalaman nito ang tungkol sa kanyang pag bubuntis, at ang bagay na hindi niya inaasahan ay nangyari na nga kanina. Sa halip na ilayo si Alexander sa pag iisip na ito nga nag tatay ng batang dinadala niya, sa tingin niya ay mas lalo lamang niya itong inilapit sa paniniwalang ito nga ang ama dahil sa mga sagot niya rito kanina na hindi ni

