Dalawang araw ding nagpahinga si Maria sa pasa na nakuha niya. Epektibo din iyong cream na binigay ni Kino sa kanya. Medyo malamig sa balat at nakakaginhawa. Sa dalawang araw na iyon ay wala siyang ibang ginawa kundi magpahinga dahil ayaw naman siyang pakilusin ng kanyang amo. Ito lahat ang gumagawa lalo na sa kusina. Hinahatiran pa siya ng lalaki sa kwarto ng pagkain kaya nahihiya na talaga siya. Pero mabuti nalang ngayon ay nakababa na siya bago paman ito maghatid ng pagkain. Magkaharap na sila sa dining at tanging kalansing ng kutsara ang naririnig sa buong paligid. "Maria.." "Po?" napaangat si Cedes ng tingin sa boses ni Kino. Natulala din siya saglit ng matitigan ang magandang mata nito. "Hindi na ba masakit ang balakang mo?" seryoso nitong tanong. "Hindi na po..Salamat po sa

