Pagkabukas ng pinto ay kasabay ding nagbukas-sara ang bibig ni Maria sa nakita. Paanong hindi? Nasa hararapan lang naman niya ang mga magulang ni Kino na pawang nakangiti sa kanya ng malapad. Kakaiba ang kislap ng mata ng dalawa na parang sobrang saya ng mga ito na makita siya. Napayuko ng bahagya si Maria at kiming ngumiti. Hindi alam kung paano kikilos sa harap ng mga magulang ni Kino. "Hija..Oh, Goodmorning my dear.. Pasensya ka na at maaga kaming napadalaw." Ang malambing na boses ni Mrs. Valderama ay mas lalong nagpakaba sa kanya. Ngunit hindi siya nagpahata at nilakihan ang bukas ng pinto. "P-pasok po kayo tita." "Mommy, tawagin mo na akong mommy, ha? Nasaan ba ang asawa mo?" bigla nitong tanong. Medyo namumula ang mukhang nag-angat siya ng tingin. "H-hindi pa naman po

