Nang tuluyan nang makaalis ang mga magulang ni Kino ay bahagyang binuksan ni Maria Mercedes ang pinto ng lalaki. Kaunting awang lang ang kanyang ginawa upang silipin kung tulog pa ang amo. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang ganon parin naman ang pwesto nito kanina. Tuluyan na siyang lumabas at pumunta ng kusina. May naamoy kasi siyang mabango na nanggagaling doon. Pagdating sa mesa ay may dalawang paper bag na maayos na nakapatong sa ibabaw. Tantya niya ay iyon ang dala ng mga magulang ni Kino. Isa-isa niya iyong binuksan at mas natakam siya ng maamoy ang halimuyak ng pagkain na nanggagaling sa bawat lalagyan. Nasa anim na hindi kalakihang transparent ang mga iyon kaya bigla siyang nakaramdam ng gutom. Dagdag pa dahil alas dyes na pala ng umaga ayon sa malaking wall clock na nasa

