Tatlong araw na ang lumipas bago nakabalik at nakauwi si Kino galing sa ibang bansa. Bumalik na naman ulit ito sa pagiging bakasyonista sa skwelahan nila. May group project pa naman sila ng mga ka-klase nang bigla nalang may bultong nakatayo sa likuran niya. Nasa canteen sila ng araw na iyon at tinuturan niya ang ibang ka grupo sa dapat gawin ng mga ito. Apat silang babae kaya apat silang nakatitig ngayon kay Kino na nakapamulsa at makisig na nakatayo.sa likod nila. Halos himatayin ang kanyang mga ka-klase ng ngumiti ang lalaki sa kanya at bahagyang kumaway. Miss na miss na niya si Kino kaya kahit nahihiya ay hindi niya napigilan ang sarili na sugurin ito ng yakap. At dahil hindi nito napaghandaan ang ginawa niya ay muntik na silang mawalan ng balanse mabuti nalang at malakas ang lala

