Nagising si Maria na sobrang tuyo ang lalamunan. Kahit medyo nahihilo ay pinilit niyang bumangon mula sa kinahihigaang kama. Anong oras na ba? Naisip niya na baka kailangan na niyang magluto para sa kanyang amo dahil papasok pa ito sa trabaho kaya kahit nanghihina ay umupo siya sa kama. Kasabay ng kanyang pagbangon ay ang pagkahulog ng kung anong bagay sa kanyang noo. Basang bimpo. Kumunot ang kanyang noo at nilingap ang buong paligid. Mag-isa lang siya sa kwarto at tanging ang tunog ng umaandar na buga ng air-conditioned ang kanyang naririnig. Sobrang nakakabinging katahimikan. Sa kabila ng masakit na katawan ay kinuha niya ang kumot na nakatabing sa bewang at akmang tatayo mula sa kama. Pero isang kilos palang ang kanyang nagagawa ay tila may nahihiwa na na kung ano sa gitnang ba

