Nasa gitna sila ng hapagkainan nang makatanggap ng tawag si Maria galing sa kapatid niyang si Greg. Ayon dito ay nakalipat na ang babae sa pribadong silid at nakalabas na ito ng ICU. Ang sabi pa ng lalaki ay nagising na rin ito kaninang madaling-araw. Natuwa naman siya kaya wala na siyang sinayang na sandali at agad nilang pinuntahan ni Kino ang matanda. Saktong-sakto dahil wala itong meeting ngayon kaya masasamahan siya ng lalaki sa hospital. Mula noong una niyang punta ay araw-araw na niyang ginagawa. Minsan ay nakasilip lang siya sa salaming dingding at tinitingnan ang ina mula doon. May mga pagkakataon din na sabay sila ni Greg sa pagbisita kaya mas maraming oras ang inilaan nila para kaswal na makapag-usap at para na din mas makilala ang isa`t-isa. Sa tuwina ay inihahatid siya ni K

