Lumabas ako sa sasakyan at dumeretso sa classroom namin. Nakita ko dun si Sherry naka upo sa lugar niya habang nagbabasa ng Macbeth. Naalala ko kaagad ang nangyari kagabi. Nilagay ko ang king bag sa upuan at umupo sa harapan ni Sherry, and she finally noticed me. "Morning Sherry!" Sabi ko sa kanya habang naka ngiti. Binaba niya naman ang libro na kanyang binabasa at kinumusta niya rin ako. "Goodmorning Jiane." Ngumiti rin siya sa akin. "Jiane, punta tayo sa coffee shop mamaya." "Nako. Sorry Sherry pero di na ako pwede eh." Humina ang tono ng boses ni Sherry tila na dismaya. "Oo nga no. Ngayon magsisimula ang tutoring ninyo ni Sir Raikko." Hinawakan ko naman ang kamay niya. "Sorry Sherry." "Ano ka ba. Ok lang. Mas importante ang pag-aaral mo."
Dumating na din si Ms.Zyn at nagsibalikan na kami sa mga pwesto namin. Like the rest of the days, wala namang kakaiba ang nangyayari. Nasa room lang kami at nagbasa ng nagbasa. Hangga't sa tapos ang araw.
Pagdating ng dismissal, habang nilalagay ko ang mga libro sa bag nagsalita naman ang last subject teacher namin. "Jiane Elizondo, pagkatapos niyan ay dumeretso kana sa room ko." Pagkatapos niyang sabihin yon ay umalis na siya. Lumapit sa'kin ang isa sa mga kaklase ko. "Wow Jiane, pagbutihin mo talaga yan. Baka di kana makakabalik sa inyo ng buhay." "Hay nako. Wala na akong pake sa Sir Raikko na yan. Sanay na ako sa lahat ng panlalait ng gurong yon!" Lumapit naman si Sherry sa'min. "Goodluck Jiane. One on one ka ngayon ni Sir Raikko." "Oo nga eh. Di bale, nagdala ako ng bluetooth earphones. Wala siyang magagawa dahil ko siya pakikinggan." Confident ko pang sinabi sa kanila. "Pero ang swerte mo noh? Bukod sa gwapo pa ang nagtuturo sa yo, ikaw lang mag-isa. Wala kaya siyang ibang tuturuan after class kundi ikaw lang. Pa'no mo siya napapayag?" Tanong ng isang kaklase ko. "Ano ba kayo? Wala akong kinalaman dito. Plano ito ng principal at hindi ako. Nahihibang naba kayo hah? Sa lahat ng guro siya pa talaga ang gusto kong magturo sa'kin? No way! Kahit puro zero na ang grado, hinding-hindi ako manghihingi ng tulong sa swapang na yon. Pero no choice eh. Sabi kasi ito ng principal." Sabi ko sa kanila. Nilagay naman ni Sherry ang palad niya sa aking shoulder at sinabing "Pagbutihin mo! Tandaan mo, goals natin ang maka graduate ng sabay sabay." I zipped my bag at nilagay sa likuran ko. "Oo naman! Sige na guys, aalis na ako. Baka ano pa ang maabutan ko sa demonyong guro na yon!" I waved them goodbye at lumabas na sa room. Kinuha ko ang bluetooth earphones ko at nilagay sa tenga ko. Para hindi mahalata ay nilagay ko sa harapan ang buhok ko para matakpan ang tenga ko na merong earphones.
Pagdating sa harapan ng room niya, kinatok ko ang pintuan at pumasok. Nakita ko na nakaupo na siya with crossed arms at tinititigan na niya ako. He points his chin towards the chair in front of him bilang paalala na kailangan ko nang umupo. Nagmadali naman akong umupo sa harapan niya at nilabas ang physics book at notebook ko. Bigla naman niyang nilapit ang mukha niya sa akin. "S-Sir?" "May aaminin ako sa'yo." "A-ano po yun?" "Matagal ko na kasi ito tinatago sa damdamin at isipan ko. Ngayon ko lang to masasabi sa'yo."
Sa totoo lang wala talaga akong idea sa nangyayari pero baka...Omg! Di kaya may gusto si Sir Raikko Sa'kin?! naalala ko sa mga dramas, movies, stories na may mga lalaking inaapi ang mga babae dahil sa totoo lang gusto talaga nila sila. Di kaya ganyan rin si Sir Raikko? Dahil kung ganyan lang pala wala na akong pake sa lahat ng masasakit na sinabi niya! Hindi naman sa atat na atat akong makasama siya o ano hah. At hindi rin naman sa nahulog ako nang lubusan sa kanya. Well, gwapo siya and all, kaya normal naman siguro na mag ka crush sa kanya. Kahit masama siya sa akin, meron din naman siyang good points. Di kaya sumang-ayon siya sa desisyon ng principal dahil gusto niya akong makasama? OMO!! I'm willing to be Mrs.Mañiego!! Over flowing na ang imahinasyon ko sa kanya hanggang sa ipinatuloy na niya ang kanyang sinabi. "Actually Jiane..." Ano? Ano? Ano?! Ang paulit ulit kong tinanong sa isipan ko. "...Nagtataka talaga ako kung paano mo narating ang 4th year highschool." Parang nabasag yata ang mga imahinasyon ko. Na dismayado ako nang sobra! "A-ah." Napatingin nalang ako sa lamesa. Waw! Nakakahiya yung mga iniisip ko kanina ah. Sana di nalang talaga ako nag assume. Asyumera kasi ako eh! My Ghad Jiane! Sir Raikko? Magkakagusto sa'yo? Waw! Out of your league siya Jiane! Kung merong tao na merong chance, si Sherry yun... Wait. Why did I suddenly mentioned her name? Habang ako ay nakayuko nalang, bigla nalang nilagay ni Sir Raikko ang dalawa niyang kamay sa ulo ko. Napaharap ako sa kanya at nagkatinginan kami eye to eye. Ang gwapo niya pala in closure. Well, gwapo naman talaga siya, pero in this close, mas gumwapo pa siya lalo. I was stuck on my own fantasies nung bigla niyang hinila paatras at pabalik ang aking ulo. "May laman ba talaga toh?" Pa inosente niyang tanong. "A-aray sir!" Hinawakan ko ang kanyang mga kamay. "S-Sir! Kung lalo mo pang ganituhun ang ulo ko, maslalo hindi ito gagana!" Pagkatapos nang sinabi ko ay binitawan na niya ito. "Ouch! Grabe ka naman Sir! Parang gusto mong hiwalayin ang ulo ko sa katawan ah." Bigla naman siyang natawa. "Ano ka ba. Hindi ako interesado sa ulo mo. Wala akong mapapala diyan." Sabi niya habang crossing his arms. "Wow. Panay na ang pag-iinsulto mo sa'kin Sir ah." I said in a sarcastic tone. "Totoo naman. Ni ikaw mismo na may-ari ng ulong yan walang napala, ako pa kaya?" "HUWAW! Hiyang hiya naman ako sa'yo Sir ah!" "Aba talagang mahiya ka talaga sa'kin." Nairita na ako at agad agad akong tumayo at kinuha ang book at notebook ko. "At saan ka pupunta?" Sabi niya. "Aalis na! Hindi mo naman ako pinapunta rito para turuan eh! Pinapunta mo ko rito para insultuhin!" Tumalikod ako at papunta na sa pintuan. "So ano? Ayaw mo magpaturo sa'kin?" I rolled my eyes at humarap sa kanya. "Sino naman ang gustong magpaturo sa'yo kung walang ibang lalabas sa bibig mo kundi puro nalang mga diskriminasyon hah?" Tumitig lang siya sakin. "Sir, isn't your job is to teach and encourage me? Kung maka tukso ka naman wagas." Tumayo naman si Sir Raikko at naglakad papunta sa'kin. "So ayaw mo na ipahiya kita?" "Wow! Anong klaseng tanong yan Sir?" I crossed my arms at tinitigan siya. "Ano ako? Masokista? Of course Hindi! Wala naman sigurong tao ang gustong mainsulto sir!" Kalma parin siya and just nodded. Nilagay niya ang kanyang mga kamay sa bulsa at nagsalita. "Sige, let's make a deal. If you can manage to pass all the summative tests the day after tomorrow, I'll show you mercy. Magiging mabait ako sa'yo." "Talaga?" tanong ko sa kanya. "Ayaw mo?" Ngumiti ako sa kanya. "OMG Sir. Game ako diyan!" "Talaga? Pero sa klaseng utak na meron ka ngayon parang malabo yata." Imbis na sumimangot ako,ngumiti lang ako sabay sabing "Kaya nga nandito ka para turuan ako Sir diba?" He smirked. "Good. Balik ka na sa upuan." Umupo ako ulit at bumalik rin siya sa pwesto niya. Binuksan ko ang physics book at nagsimula na kami sa tutorial class.