"EUEY! what happened?" hangos ng Daddy niya mula sa pintuan kasunod ito ng mommy niya na naka-roba rin katulad nito na mga halatang kakagising lang dahil parang inaantok pa ang mga ito. Hindi tuloy niya maiwasang mapakagat-labi sa lakas siguro ng sigaw niya pati kapitbahay magigising.. Pagod pa man din ang mga ito galing sa trabaho. Pero para namang nahimasmasan ang mga ito ng makita ang sugatang lalaking buhat-buhat ni Kai. Ito ang sumagot para sa kanya. "It seems Lady Rina pick up a stray cat." grabe parang bale-wala lang yung bigat nung lalaki dito samantalang siya kanina para siyang posteng muntik na matumba. "Oh my! what happened to him?" her mother worriedly ask she eyed the unconcious man. Maybe it's what they call maternal instict talking kahit na hindi nito kilala ang binata.

