KANINA pa talaga naiilang si Rina sa mga tingin na ipinupukol sa kanila ng mga kapwa nila estudyante nang sabay silang lumabas ni Aveial sa Lexus LFA na pag-mamayari nito. 'Ni hindi nga niya alam na may ganoon palang kamahal na kotse ang binata habang nagtiya-tiyaga itong sumabay sa kanilang dalawa ni Reese na naglalakad lang papuntang eskwelahan. Oo alam niyang mayaman ang pamilya nito kahit noong mga bata pa sila pero 'ni minsan ay hindi nito ipinakita kung gaano ito kayaman sa ibang tao lalo na sa kanya.
Actually sanay na naman siyang palaging center of attraction lalo na tuwing kasama niya ang binata pero iba kasi ngayon dahil kung makaakto ito ngayon ay daig pa ang boyfriend niya. But in other terms masasabi naman talagang magiging boyfriend niya ito sa oras na dumating ang debut niya.
Kanina ay halos nabatukan na niya ito nang ipakita sa kanya ang kotse nito. Iyon lang daw kasi ang 'matino' nitong kotse alangan naman kasing gamitin nila ang nakatenggang L300 van na nasa pinakasulok na yata ng garahe nito kaya kay sa naman itirik sila 'non sa daan ay pumayag na rin siyang 'yun ang gamitin nila.
So as for now she still needs to endure the attetion she is receiving right now. Alam din naman niyang mamaya lang ay mawawala rin iyon sana....
Sa kasalukuyan ay ito ang umaalalay sa kanya habang papasok sa students entrance. Hindi pa siya gaanong sanay sa saklaya niya kaya naman kailangan pa siya nitong alalayan. Ito rin ang may dala ng bag niya kaya mas nagmukha tuloy itong alalay sa paningin niya but of, course sa kanya na lang 'yon.
Then she saw Reese running towards them and stopped perfectly infront of her. Nice
"Good morning, Euey!" then her gaze drop to her feet. "What happened? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.
"Reese tinagalog mo lang 'yung isa pero pareho pa rin naman ang tanong mo." sabi ni Ave sa tabi niya.
"Shaddup I am not talking to you." asik dito ng kaibigan niya.
Tinawanan lang ito ni Aveial at nang-asar pa. "Feisty in th morning Reese? Hindi kaya tumanda ka niyan ng maaga?"
Sinamaan lang nito ng tingin ng kaibigan niya. It's really nice to see Ave back pero pakiramdam niya ay parang may nag-iba pa rin dito. Ang kaso nga lang ay hindi rin niya alam kung paano patitigilin ang dalawa sa pag-aasaran. Hanggang ngayon ay ang hilig talagang mag-asaran ng mga ito at 'ni minsan ay wala pa ring nagpapatalo sa dalawa.
Then marahas na tinabig nito ang binata sa tabi niya at ito ang siyang pumalit sa pwesto nito.
"Wow naman sa pagkakaalala ko ako ang tumutulong sa kanya kanina ahh." anito habang sumasabay pa rin sa paglalakad nila.
"Bakit ikaw ba ang kaklase niya?" napailing-iling na lang tuloy ang binata.
"Hoy! babae hindi mo sinasagot ang tanong ko." balik sa kanya ni Reese. Ang akala pa man din niya ay nakatakas na siya sa pagtatanong nito hindi pa pala. Hay....
Bumuntong-hininga na lang siya. "Something bad came up and I end up like this." iminuwestra niya ang saklay.
"Natapilok, tatanga-tanga kasi." singit ni Ave. Mukhang alam talaga nito ang gagawin niya sa oras na marinig niya ang sinabi nito dahil nasa tabi na ito ni Reese. Malamang kung nahablot niya ito it's either babatukan niya ito o mas maganda ganda ihahambalos na niya ang saklay dito.
"Alam mo, Veil kung ikaw pa ang natapilok at naging ganito nunca tutulungan kita baka nga pagtawanan lang kita."
"Don't worry Reese, that will never happen." pero mayamaya pa ay may nakaharang na kung ano sa harap nito na hindi nito agad napansin at natapilok nga ito.
Impit silang natawa pareho ni Reese. "Are you saying something, Lumeira?" her lips have a satified grin as if may isang kalokohan itong ginawa.
Hindi niya sigurado o ano pero parang nasulyapan niyang parang tumalim ang tingin nito sa kaibigan niya.
Pero umismid na lang ito. "Whatever." bago biglang nanahimik. Ano naman kaya ang nakain nito at natuto yatang manahimik?
"May news akong narinig that will really shocked you." sabi ni Reese.
Wala siya sa mood para makipaghulaan dito. "Stop the suspense Reese, spill it out." dahan-dahan na silang umaakyat sa hagdanan nakaalalay sa kabila sa kanya si Ave kung siya nga lang gusto talaga niyang hambalusin ito ng saklay niya kaso takot lang niyang mabalian ng buto kapag nahulog siya sa hagdan.
"Fine." Reese rolled her eyes. "Justine, with his 'friends' are just caught early this morning. Justine is unconcious at ayon sa balita halos durog lahat ng buto niya sa katawan at iniwan siya nang halos 50-50. May nag-tip daw sa mga pulis na kuta daw 'yon ng mga d**g users and pushers. Pero pagdating daw ng mga pulis ay puro bulagta ay bugbog na ang iba sa mga nandoon na puro mga gumagamit din. Diretso lahat sila sa kulungan maliban kay Justine na nagpapagaling muna sa ospital pero under arrest na rin siya."
Ewan ba niya pero napalingon siya kay Ave na nasa tabi niya. Kagabi kas ay hindi ito umuwi at nakatulugan na niya ang pag-aatay dito. Kanina namang umaga ay hindi niya magawang kastiguhin ito dahil na rin naging okupado na ang pag-iisip niya. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang tila pag-ilap ng mga mata nito.
"Alam mo ma-lelate na tayo kung hindi niyo pa bibilisan." she almost shrieked as he lift her, princess style on the stairs. "Buhatin na lang kita."
Nahampas na lang niya ang balikat nito bago niya ikinawit ang mga batok sa leeg nito habang kinuha naman ni Reese ang saklay niya.
"Hindi pa tayo tapos." bulong niya dito Alam niya pinagtitinginan na naman sila ng mga kapwa estudaynte. So paano kaya mananahimik ang buhay niya ngayong araw? Lagot talaga sa kanya ito.
"Bakit may sinabi ba akong tapos na tayo?'" ganting bulong nito pero bakit pakiramdam niya ay may iba pang kahulugan 'yon?
At hindi niya mapigilang manlaki ang mga mata nang biglang nagtayuan ang mga buhok niya sa batok nang maramdaman niyang marahan nitong kinagat ang kanyang tenga.
"Aveial!" bulalas niya habang hindi alam kung ano ang magiging reaksiyon sa ginawa lang nito.
"What?" inosente pang tanong but she can clearly see his eyes dancing with amusement as she is almost red as tomato mukhang nag-eenjoy pa yata ito sa ginagawa. You're really a dead meat Aveial Lumeira..Aniya sa sarili habang naningkit ang matang nakatingin dito. And what's that a smirk on his face? para namang nabasa nito ang nilalaman ng isip niya.
"Euey may problema ba?" tanong ni Reese mukhang hndi nito nakita ang kalokohan ni Ave dahil nasa likuran sila nito.
"Wala."
"Wala?" tila dikumpiyado ito sa sagot niya.
Noon lang niya napansin na nasa third floor na pala sila kung saan naroon ang room nila. Marahan na siyang ibinaba ni Ave. At hindi nakaligtas sa kanya ang iba't-ibang reaksiyon ng mga nakakakita sa kanila.
May ilang naiinggit at nanghihinayang na mga babae habang amusement naman ang nakikita niya sa mga lalaki. Kaso ano nga bang pakialam niya? Wala...
"Wag niyo nang pansinin ang mga kung ano-ano at dumiretso na kayo sa classroom niyo." paalala ni Ave bago inilapit ang mukha sa kanya at bumulong sa mga tenga niya. "Mag-ingat ka." bago ito humalik sa mga pisngi niya at saka pinaalalayan siya kay Reese.
Napakurap-kurap na lang siya. Not even believing on what just happened habang sinusundan ito ng tingin paakyat sa hagdan.
"Euey!" ipitik-pitik bi Reese ang mga darili sa harap niya. "Ayos ka lang ba o gusto mong dalhin muna kita sa clinic?" naipagkamali siguro nitong may iniinda siya sa pagkakatulala niya. Makikita niya ang concern sa mga mata nito.
"Hindi na." ngumit siya rito. "Tara na, punta na tayo sa classroom." yaya niya rito.
Pero habang tinutulungan siya nitong makarating sa room nila ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga inakto ni Aveial kanina. Hindi naman ito ganoon kung umakto sa kanya dahil hanggang sa mga yakap lang ang iginagawad nito sa kanya.
Hindi kaya pinapaalala nito na kailangan niyang tuparin ang kasunduan nila dahil nalalapit na rin ang birthday niya? Ipinilig niya ang ulo. Ahhhh saka na lang niya iyon iisipin basta sa ngayon gusto muna niyang pilipitin ang leeg ng binata dahil sa mga ginawa nito ngayong umaga.