LUNCH break na nila at kasalukuyan nang kumakain si Euey kasama si Reese sa cafeteria. Dapat sana ay kasabay nilang kumain si Ave kaso ay pinauna na sila nitong kumain dahil male-late ito ng kain dahil sa isang biglaang meeting sa student council.
"Hello, Euey 'mind if I join you?" tanong sa kanya ng isang bwisit na boses at nang lingunin niya ay walang iba kundi si Justine ang pinaka bwisit niyang manliligaw dahil kahit na ilang basted pa ang makuha nito sa kanya ay napakakapal pa rin ng mukha and wait theres more, arogante, mahangin at isa pa at higit sa lahat ay manyak ito. Tuwing tinitigan siya nito ay animo hinuhubaran siya. Ground for expulsion na ito at bali-balita ay gumagamit ng drugs at kahit na masasabi nating may itsura at mayaman ito ay nunca papatol siya sa isang katulad nito.
"Yes, I do mind." sagot niya pero sadya yata itong makapal ang mukha dahil umupo pa rin ito sa upuan na dapat ay para kay Ave.
"Come on Euey, minsan na nga lang tayo magkita inaaway mo pa ako." ngumiti ito at pasimple sanang aakbay sa kanya nang pinukol niya ito ng matalim na titig ay pareho nitong itinaas ang kamay na animo susuko. "Relax lang wala naman akong ginagawang masama ah." hinagod nito ng kamay nito ang braso niya ay tinabig niya ito.
Napatayo siya sa upuan. "Excuse me, I'll just go to the comfort room." aniya sa kaibigan. Pero nang akmang aalis na siya ay marahas siya nitong hinawakan sa palapulsuhan niya.
"Where do you think your going?" he growled mukhang napikon na yata ito sa kanya pero ano bang pakialam niya?
"Bingi ka ba? o sadyang tanga lang para hindi mo marinig ang sinabi ko." pambabara niya saka nagtawanan ang mga estudyanteng nakakarinig sa kanila. Unluckily they attract some attention from there other school mate that's now watching them instead of eating.
Nakita niyang naningkit ang mga mata nito kasabay ng pamumula dahil yata sa pagkapahiya o dahil sa galit lalo lang tuloy nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso niya at pustahan siguradong magkakapasa iyon mamaya. Pero again uulitin niya ano namang paki niya kahit na magalit ito? Kung tutuusin ito pa nga dapat ang matakot dahil malapit na itong ma-expell oras na makagawa na naman ng g**o.
"Sino ka ba sa tingin mo? Akala mo kung sino kang magaling pero isa ka lang rin namang kalad----" naputol ang sinasabi nito dahil may narinig siyang isang pamilyar na boses.
"If I where you, Casaljay. Let go of her arm." Her knight in shining armor emegered from no---- teka teka para yatang nasira ang plaka. Kailan pa naging knight in shining armor ang ugok na 'to?
Magsasalita sana siya nang makita niya ang itsura nito parang nabara lahat ng sasabihin niya sa may lalamunan niya. Mukhang mahinahon ito kung titignan ng mabuti but she knew better kahit kasi ganon ang itsura 'non ay parang mas nakakatakot ito dahil hindi mo alam ang pwede nitong gawin ano mang oras hindi katulad kapag nasa usual self nito na basa na niya ang bawat kilos nito.
Justine just tsked. "The Mr. Goody President is trying to save a damsel in distress?" patuya nito.
"I'm not saving damsel in distress daihl kung tutuusin ikaw naman ang mukhang kawawa sa inyong dalawa." muling nagtawanan ang mga nakarinig sa paligid nila. "Pero kung ako sa iyo mabuti pang umalis ka na dahil ikaw rin lang naman ang napapahiya."
Oo nga at nakangiti ito pero nakikita niyang oras na may ginawa itong masama ay hindi nito sasantuhin ng binata isa pa kahit mukha itong lampa aaminin niyang mas magaling pa ito sa kanya sa martial arts.
Nararamdaman na niya ang makapal na tensiyon sa paligid nakita niyang nagngingit lang ito sa galit at nang sa tingin nito ay wala naman itong panama sa binata ay marahas na nitong binitiwan ang braso niya. Hindi naman niya mapigilang mapangiwi dahil masakit ang pagkakahawak nito sa kanya kanina at kung hindi lang siguro sila pinagtitinginan ng mga kapwa estudyante ay makakatikim ito ng isang uppercut mula sa kanya.
"Humanda ka hindi pa tayo tapos." banta pa nito sa kanya bago ito nag-walkout sa cafeteria leaving them a death glare.
Nang umalis na ito ay parang balewalang bumalik sa kanya-kanyang ginagawa ang mga estudyante. Minsan naiisip niyang hanep rin sa ayos ang mga taong nandoon.
"Rina!" agad na sabi ni Ave bago siya tuluyang niyakap as usual his back to his old self again. Pero hindi pa rin niya maiwasang maalala ang nangyari kanina lang sana nga lang ay hindi niya ulit iyon mangyari.
"Ayos ka lang ba, Rina? anong masakit sa'yo?" agad nitong sinipat ang kabuuan niya at nahagip ang braso niyang ngayon ay mangasul-ngasul na. His lips became thin at halos nagkasalubong ang mga mata nito.
Walang kaabog-abog na hinila siya nito sa kamay. "Ikaw na bahala sa kinainan ni Rina, Reese." anito sa kaibigan niya bago umalis. Nakita pa niya itong kumaway na lang sa kanya bago nagpatuloy sa pagkain. Kahit kailan talaganapaghahalataan niya ang pagiging matakaw nito kaya pala wala itong imik kanina pa.
Nagpatianod na lang siya sa binata no use na rin naman kung aangal siya rito, magsasayang lang siya ng laway kung nagkataon.
Namalayan na lang niyang nasa loob na pala sila ng clinic nadatnan nila roon ang school doctor na may binabasa.
"Dr. Mendez, meron ba kayong ice packs?' tanong agad ni Ave.
"Yup, just get it on the fridge." he said wile flipping through through the pages of what he is reading without looking at them.
Siya naman ay iginiya ng binata sa isang kama at doon siya pinaupo bago binuksan ang ref at kinuha ang icepack. Medyo nagtaka pa nga siya nang walang imik itong umupo sa tabi niya at dahan-dahang dinampian ang pasa niya sa braso. They both remained silent for a while hanggang sa hindi siya nakatiis at tinanong ito.
"Galit ka ba?" ibinaba na nito ang hawak na icepack saka siya tinitigan.
"Sa tingin mo bakit hindi ako magagalit?" napapitlag siya dahil bigla na lang tumaas ang boses nito pero agad naman nitong hininaan ang tono nang makita ang reaksiyon niya. "'Yung bwisit na 'yon nahawakan ang maganda at makinis mong braso and take not may pasa pang binigay na remembrance ang gagong 'yon. Baka mahawaan ka non ng Fungi, amoeba o kaya naman ng Virus dahil sa ginawa 'non." mukhang hindi pa nakuntento sa litanya nito at humagip ng alcohol sa tabi at ibinuhos sa braso niya saka pinahid. Hindi na lang niya maiwasang mapangiti dahil minsan napaka O.A din nitong mag-react.
"Grabe ka naman yata kung mag-react."
"Anong grabe kung mag-react? Hindi ba niya alam kung gaano kalaking kasalanan ang p*******t niya sa soon-to-be-girlfriend ko?"
Napailing na lang siya malayo pa nga bago siya mag-eighteen ay inaangkin na agad siya nitong girlfriend. "Wala pa po akong eighteen kaya wag ka munang mag-react ng ganyan."
Umismid ito na parang bata which she find cute, siguro kung naririnig lang nito ang sinasabi niya sa isip malamang na kanina pa ito lumaki ng sobra ang ulo nito. "In months time you will be my girlfriend kaya masanay ka na."
Sasagot pa sana siya pero may malakas na tumikhim sa tabi nila. "Mga bata kung tapos na kayong dalawa sa pakay niyo dito baka naman pwede na kayong umalis sa clinic ko at sa ibang lugar niyo na lang ipagpatuloy ang LQ niyong dalawa."
"Kayo talaga Doc, inggit. Mang-hunting na lang kasi kayo diyan sa tabi nang pwedeng maging girlfriend." kantiyaw dito ng binata.
"At sino-sino naman ang makikita kong babae dito? Kung hindi underage, overaged naman" reklamo nito. Katulad din ni Sir Emerson si Dr. Mendez or Sir Rey sa iba binata rin ito at sabay lang ito at si Sir Emerson pumasok sa eskwelahan na iyon pero sa pagkakatanda niya mas matanda lang dito ng tatlong taon ang Teacher niya.
Tinawanan lang ito ni Ave bago siya inakay nito palabas ng clinic pero napansin pa niya nag makahulugang palitan ng ngiti ng dalawa.
Bakit ba maraming parang ang daming weird na nangyayari sa paligid niya? Ang g**o naman
KANINA pa napapansin ni Euey ang isang grupo ng kalalakihan na sumusunod sa kanya. Kung minamalas nga naman siya ngayon a yata siya napagisipan pag-tripan ng mga sangganong iyon nagkataon pa man ding hindi niya kasabay na umuwi si Ave dahil may meeting ito sa student council at kailangan namang umuwi ng maaga ni Reese kaya ang siste tuloy mag-isa siyang naglalakad.
Ayaw naman kasi niyang may nakabuntot sa kanyang bodyguard na gusto naman ng mga magulang niya pero dahil nga kay Ave ay hindi na siya pinanalalagyan ng mga 'buntot'
Noong bata pa kasi sila ay muntikang ma-kidnap kung hindi lang may nagligtas sa kanya na hindi na niya masyadong maalala.
Kaya sinula nooon ay nag-aral na siya ng martial arts na hindi naman niya ganoong ginagamt kasi hindi naman kailangan madalas lang naman niya iyong nagagamit kay Ave tuwing naiinis na siya rito. Kaso puro self-defense lang naman ang alam niya at sa hindi niya kayang lumaban ng maramihan.
Lumiko siya sa isang shortcut para makarating na agad sa mansyon nila kaso biglang may humarang na limang lalaki sa daaan niya kaya naman pumihit siya patalikod kaso lima pang lalaki ang humarang sa daanan.
Ten out of one, sa tingin kaya niya ay makakaya niyang labanan ang ganoong karami?
Nah, takbo na. aniya sa sarili bago siya lumusot sa isang eskinita at kumaripas ng takbo.
Sana naman makauwi siya ng matino sa lagay na 'to.
Harrieth Alois