CHAPTER II:
Tumunog ang telepono ni Freya at dumilim ang mukha niya nang makita kung sino ang tumatawag. It was Alex, ang kanang kamay ni Congressman Hidalgo.
“What?” she asks in a cold tone.
“May pinagagawa sa’yo si Congressman, pumunta ka raw dito sa bahay niya,” sagot nito.
“Okay.” Iyon lang ang sinabi niya at pinatayan agad ito ng telepono.
Sumakay siya sa kanyang V-Strom 1000 motorbike at pagkatapos na maglagay ng helmet ay agad niyang pinaharurot ang kanyang sasakyan. Hindi siya mahilig sa sasakyan at mas gusto niya ang ganitong klaseng sasakyan kasi mas madali siyang makipaggitgitan sa mga sasakyan sa kalsada. Mas napapadali rin ang trabaho niya kapag ito ang gamit niya, iyong tipong para silang pinag-isa at kumikilos nag sabay.
Ilang minuto lang ay nakarating siya sa mansion ng Congressman at agad siyang sinalubong ng nakangiting mukha ni Alex. Dumaan siya sa harapan nito na tila hindi ito nakita at narinig na nagsalita, tuloy-tuloy siya sa opisina ng Congressman kung saan alam niyang lagi itong nakapirmi kapag ganitong kakausapin siya.
“Freya . . . Come in.” Narinig niya saad nito mula sa loob ng opisina nito.
Pailalim niyang tiningnan ang lalaking nasa likod niya bago pumasok. Tumambad sa kanya ang isang middle-aged man na nakaupo sa swivel chair at nakangiting nakatingin sa kanya. Gusto niyang masuka sa aliwalas na makikita sa mukha nito dahil alam niyang sa likod niyon ay nagtatago ang bulok nitong pagkatao.
Naglakad siya hanggang sa makarating sa mismong harap nito at saka lang nito ibinigay sa kanya ang isang di kalakihang brown envelop. Tinapunan niya iyon ng tingin at hindi na nagtanong pa kung ano iyon.
“He will be your next target, nakalagay na rin diyan kung saan siya laging naglalagi at kung gaano kahigpit ang seguridad sa bahay niya. Mukhang nag-iingat ang gago at takot na mamatay.” Nakangising saad nito at pinagsalikop ang mga kamay sa ibabaw ng mesa nito.
“I want him dead . . . tonight,” he said viciously.
“Okay,” sagot niya at kinuha ang brown envelop saka tumalikod para umalis na sa kuwartong iyon. Hindi niya kayang sikmurain na magtagal makasama ang mga demonyong katulad ng dalawang ito.
“Hindi pa tapos magsalita si Congressman, Freya,” pigil sa kanya ni Alex. Hinawakan nito ang braso niya at pinipigilan siyang umalis.
She glared at him and in just a snap she took the small dagger and pointed it in his neck. “How many do I need to tell you not to touch me?”
Itinaas nito ang dalawang kamay nito sa ere. “”I’m sorry,” anito.
“Put it down, Freya.” Narinig niyang wika ng Congressman.
Ibinaba niya ang kanyang sandata at matalim pa rin ang mga matang nakatingin dito. “May kailangan pa ba kayo?” tanong niya sa matanda na hindi man lang nag-abalang tumingin muli dito.
“Call me when you finish the job, and I will tell you what’s your next assignment then,” he said.
Hindi na siya nagsalita pa at tinungo na ang pinto para umalis na roon, ramdam niyang pinagmamasdan siya ng dalawa, lalo na ang galit na tingin ni Alex sa kanya. Hindi lingid sa kaalaman niya na matagal nang may gusto sa kanya ang binata kaya gano’n na lang ang pag-iingat niya rito. Mas mabuti nang maging alisto kapag nasa malapit lang ito, dahil alam niya ang mga galawan ng tulad nitong haling ang kaluluwa.
Halang ang kaluluwa. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi niya habang sinusuot ang helmet niya. Ano bang pinagkaiba niya sa mga ito? Isa din naman siyang mamatay-tao. Kriminal at salot sa lipunan na dapat lang mawala sa mundo.
Pinaharurot niya ang kanyang sasakyan palabras sa bakuran ng taong naging dahilan para maging miserable ang buhay niya.
Five years ago, ay isang simpleng babae lamang siya na nangangarap na maging isang opisyal ng gobyerno, kasama ang lalaking pinakamamahal niya—si Niklaus. Sa loob ng dalawang taon niya sa loob ng kampo ay kasama niya lagi ang binata—through ups and downs they manage to pass all their training and of course, that made their relationship grew stronger.
Ang dami nilang binuong pangarap na magkasama at umasa siyang mangyayari iyon ngunit lahat ng iyon ay nawala dahil lamang sa kahangalan ng kanyang ama. Hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na umalis siya sa kampo at hindi man lang nagawang magpaalam kay Niklaus.
“Santibañez, Major Rales wants to talk to you,” sabi ng kasamahan niya.
Kumumot ang noo niya at nagtataka, wala siyang alam na nilabag niya maliban na lamang kung nahuli na silang dalawa ni Niklaus na palihim na tumatakas sa gabi.
Nagtataka man ay pumunta siya sa opisina ng Major at nang makita niya ang seryosong mukha nito ay bigla siyang kinabahan.
“Sir, pinatawag niyo raw ako?” tanong niya rito pagkatapos tumayo ng tuwid sa harap ng desk nito at sumaludo.
“This is a request from one of my friends outside the camp—personal request, Santibañez,” seryosong saad nito.
Nanatili siyang walang imik at matuwid na nakatayo, taas ang noo at deretso lang ang tingin sa dingding na nasa likod ng Major.
“Your father did some heinous crime which leads him to death,” dagdag pa nito.
Gulat siyang napatingin dito at naguguluhan sa sinabi nito. Marahas itong nagbuntong-hininga at tumingin din sa kanya.
“Ipinatawag kita rito para bigyan ng options. Ayokong gawin ito ngunit Malaki ang utang na loob ko sa taong nagrequest para i-release ka at alisin sa mga candidates,” malungkot na saad nito.
“What do you mean, Sir?” hindi na niya napigilan pang magtanong dahil sa bumabangong kyuryusidad sa kanyang pagkatao.
“Congressman Hidalgo, requests your disposal, and if you refuse your father and your family will be in danger.”
Parang bombang sumabog sa harapan niya ang narinig na sinabi nito at nang rumihestro sa isipan niya ang ibig nitong sabihin ay hindi niya napigilan ang mapasinghal at tanggapin ang katotohanan na sa mundong ito ay may mga taong gagawin ang lahat para manatili sa kapangyarihan.
Hindi siya nagdalawang-isip at agad na nag-empake. Pagkalabas niya ng kampo ay pinatigas niya ang kanyang puso at isinumpang siya mismo ang papatay at tatapos sa kabaluktutan ng mga taong nasa likod nang pagkasira ng buhay niya.
Napakurap siya nang makarinig ng sirena ng isang police car, napataas ang kilay niya at tiningnan sa side mirror ang kotse. Napangisi siya, mukhang sumubra na naman yata ang pagpapatakbo niya ng kanyang sasakyan, inihinto niya sa gilid ang kanyang motor at hinintay na makalapit ang patrol car.
Bumaba ang dalawang pulis at nilapitan siya. “Puwede po bang makita ang driver’s liscence niyo?”
Hinubad niya ang kanyang helmet at pinalambot ang kanyang mukha at tumingin sa dalawang pulis. Lihim siyang napangiti nang makitang natulala ang mga ito at hindi inaasahan ang makikita.
Kinuha niya mula sa likod ng suot niyang ripped jeans ang kanyang pekeng ID. “Here.”
Kinuha iyon ng isang pulis at tiningnan mabuti. “Ma’am aware po ba kayo na mabilis ang pagpapatakbo niyo?”
“Oh, I’m sorry, may kailangan kasi akong habuling appointment, medyo late na kasi ako. Ayoko namang paghintayin ang kausap ko ng matagal at baka bigla na lang ako paalisin sa trabaho ko ng wala sa oras.” Nakangiwing saad niya at pinalungkot ang boses.
Inilista ng isang pulis ang peke niyang pangalan at maging ang plate number ng kanyang sasakyan. “Sa susunod po ay mag-ingat po tayo sa pagmamaneho at panatilihing sundin ang standard procedure nang pagpapatakbo ng sasakyan. Mahirap nap o at baka may mangyari sa inyo o magkaroon tayo ng aksidente,” anag isang pulis.
Tiningnan niya ang nametag nito at tinandaan ang pangalan, bumaling siya sa isang pulis at nadismaya dahil halatang isa ito sa mga bulok na taong dapat mawala sa lipunan at matanggal sa pagsisilbi ng bayan.
“Tell me, are you two have a family? Asawa? Mga anak?” tanong niya.
Napakamot ang pulis na kausap niya. “Bagong panganak lang ng misis ko.”
“Oh! Well, congratulations to you.” Nakangiting saad niya at buimaling ang tingin niya sa isa pa na halatang halos hubaran na siya sa klase ng tingin nito. “Ikaw naman po?”
Tumikhim ito at umayos ng tindig, nagpapakitang-gilas sa kanya. “Single pa ako,” anito at kumindat sa kanya.
Tumango-tango siya hindi nakaligtas sa kanya ang pagsupil ng ngiti ng kasamahan nito at ang mahinang pag-iling.
“Puwede na po ba akong umalis?” Baling niya sa kausap niya kanina.
Nakangiti itong ngumiti. “Mag-iingat ka po sa pagmamaneho.”
Sumakay na siya sa kanyang motor at pagkatapos magpaalam ay umalis na siya roon. Sa mundong ito ay may tatlong klase ng tao—masasama, mababait at ang pangatlo ay ang mga taong walang pakialam sa mundo.
Siya at ang dalawang pulis ay masasabi niyang magandang example sa theory niya. Isang mabait na pulis na nagsisilbi sa bayan at tuna yang concern sa mga civilian, habang ang kasama naman nito ay nakahilira sa masasamang tao na ginagamit ang hawak na badge at baril para makapagyabang at gamitin ang kapangyarihang sa pansarili nitong kasiyahan, habang siya naman ay nnapunta sa mga taong walang pakialam sa mundo, minsan mabait ngunit madalas na masama.
Gumagalaw ang katawan at isip niya sa mga bagay na iniuutos sa kanya at hindi siya pumipiyok o kumukurap kapag may buhay na siyang dapat tapusin ngunit mayroon siyang puso na puro, inosente at walang bahid ng dumi. She’s one of a kind, fearless, merciless but still has a golden and pure heart.
*****
Inihinto ni Freya ang kanyang motor dalawang metro ang layo sa bahay ng target niya. Gumamit siya ng night vison telescope para manmanan ang paligid, tama ang sinabi ng Congressman mahigpit ang seguridad sa lugar na iyon. May limang armadong nagbabantay sa harap ng gate habang may anim na taong panay ang ronda sa buong kabahayan.
Ipinilig niya ang kanyang ulo, at nag-unat. Kahit gaano pa karami ang bantay ng isang maimpluwensiyang tao ay hindi pa rin iyon masasabing ligtas kung hindi naman professional ang mga ito. Isinuot niya ang kanyang mask at pumunta sa pinakalikod ng bahay ng target niya.
His name was Attorney Milan, isang public Attorney na naglalayong matulungan ang mga normal na tao at mapabuti pa ang lungsod na iyon. Maganda ang hangarin nito ngunit hindi para dito ang pagpupulitika at nakakalungkot na hanggang dito na lang ang buhay nito.
Inakyat niya ang mataas na bakod at walang kahirap-hirap na nakapasok sa loob ng pamamahay nito. Madilim na ang buong kabahayan, halatang tulog na ang mga tao at tanging ang mga bantay na lang sa labas ang gising at salit-salitan sa pagroronda.
Maingat siyang umakyat sa itaas, walang tunog ang mga yabag niya at malinaw niyang nakikita ang paligid kahit na madilim. Dahan-dahan niyang binuksan ang kabilang kuwarto—ang katabing kuwarto ng Attorney, mabilis siyang nagpunta sa terasa at nakita niya ulit ang mga tauhan nitong hangal na nagkukumpulan at nagkakatuwaan pa.
Wala sa sariling napailing siya, walang silbi ang pagbabayad sa mga ganitong klase ng tao kung hindi ka naman mapoprotektahan ng maayos. Dahan-dahan siyang lumipat sa terasa ng target niya ng walang kahirap-hirap at walang nakapansin sa kanya, pagkapasok niya sa loob ay nakita niyang mahimbing itong natutulog at nakayakap sa asawa nito.
Lihim siyang napahinga ng marahas at malutong na nagmura sa kanyang isip nang makitang buntis ang babae. Kinuha niya ang kanyang baril at pinasakan ng silencer pagkatapos itinutok iyon sa ulo ng Attorney, walang kakurap-kurap niyang pinindot ang gatilyo at binaril ang walang kamuwang-muwang na abogado.
Nang matapos ang misyon niya ay mabilis siyang bumalik sa terasa at walang kahirap-hirap na lumipat ulit sa kabilang kuwarto. Binalikan niya ang dating rutang tinahak kanina, pagkaakyat niya sa pader ay saka niya narinig ang malakas na tili ng misis ni Attorney Milan. Narinig niya ang pagkataranta ng lahat ngunit ano pa ang silbi niyon kung patay na ang piniprotektahang tao ng mga ito.
Bumalik siya sa kinapaparadahan ng kanyang sasakyan at parang walang nangyaring umalis sa lugar na iyon. Hindi na niya kailangan pang tawagan ang Congressman dahil tiyak niyang sa mga oras na ito ay alam na nito ang nangyari.
Alam niyang may nagmamanman sa kanya ngunit hindi niya iyon binibigyan ng pansin at hinahayaan na lang. Praning ang Congressman at gusto nitong makasigurado na hindi ito maiisahan ng mga tauhan nito—lalo na siya. Binalak niyang kantiin ang Congressman noon at baliktarin ito ngunit dahil sa dami ng connection nito ay nabigo siya at mas lalong nalagay sa alanganin ang pamilya niya.
Simula noon ay hindi na niya sinubukan pang gawin iyon at nanatiling alagad nito. Isang alagad na pumapatay sa mga taong may mabubuting hangarin para sa lungsod nila at sa bansa.