Imagine na buong buhay mo pakiramdam mo naiiba ka, freak, nakakatakot, at nababaliw. Nakafrustrate diba. Simula pagkabata kasi, alam ko ng iba ko. Di katulad ng mga taong nasa paligid ko. Naiiba sa kanilang lahat.
Nag-umpisa lahat ng 'to noong 7th birthday ko at nag-outing kaming buong pamilya. But unfortunately, that supposed to be a happy moment turned into a disaster. Nabangga yung sinasakyan naming kotse sa isang puno on our way sa resort kung saan kami dapat magse-celebrate. Meron daw kasing biglang iniwasan si Papa na kotseng biglang lumabas sa may intersection. Wala namang masamang nangyari kila Mama at Papa pero sakin meron. Tinanggal ko raw kasi yung seatbelt ko dahil naiirita ako dito. Umitsa daw ako at tumama ang ulo sa manibela ng kotse dahil sa lakas ng impact. Na-coma daw ako for almost three months. Walang tigil daw sila Mama ng kakadasal noon. At isang himala nga ang nangyari. Nagising ako. Akala ko balik lang sa dati ang lahat, na normal lang uli ang buhay ko. Pero akala ko lang pala lahat. Nagsimula na kong makakita ng mga apparition ng mga taong namayapa na, mga elemento at kung ano-ano pang kakaiba. At first syempre natakot ako, ikaw ba naman sa araw araw na paggising mo may bumulaga sayong taong agas na nagsasalita. Pero buti na lang nakasanayan ko na sila. Yung iba nga tinutulungan ko pa. Ang iniisip ko na lang na baka regalo to sakin ni God. Biyaya kung baga. Gift na mas kilala natin sa tawag na...
"Third Eye".
---