Chapter 2: Lola Irina

1892 Words
Casper's POV Byernes ng hapon napagdesisyunan nila Mama na umalis kami papunta sa probinsya nila Lola. Para daw mas mahaba yung maging pag-stay namin doon. "Anak wala ka nabang nakalimutan." Tanong ni Mama sakin bago kami bumaba galing sa kwarto ko. Inisip ko naman yung mga bagay na dapat kong dalhin, at mukhang nadala ko naman lahat. "Mukhang wala naman Ma." Pagbaba namin nakaready na rin si Papa at pinapapaandar na yung sasakyan namin. Si nanay Karmen naman ay hindi na lang daw sasama at babantayan na lang daw tong bahay namin. "Oh ready na ba kayo? Alis na tayo para makarating tayo agad doon." Tanong ni Papa ng mapaandra na nya yung sasakyan. Umupo ako sa may backseat habang si Mama naman ay sa frontseat katabi si Papa na nasa driver's seat. Meaning wala akong katabi dito sa likod, kundi yung ibang mga bagahe. Unless merong biglang sumulpot na...ehem...alam nyo na. Makalipas ang ilang minutong pagkakaupo ko dito sa likod ay nagumpisa na kong ma-bore. Hindi ko rin naman magawang mag-games sa cellphone ko kasi mahihiluhin ako. Baka mamaya magsuka pako dito kung pipilitin ko. Kaya ang ginawa ko na lang para mawala kung pagkabore ko is ilabas ang headset ko at pumunta sa music world. You and I, ni Lady Gaga ang pinili kong kanta. Gustong-gusto ko kasi yung beat at saka rhythm nito eh. Tama lang para maentertain ako as well as ma-chill. --- Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ko habang nakikinig ng music. Nagising lang ako ng biglang napadaan yung kotse namin sa lubak. Base sa mapunong view, na malayong malayo sa syudad, ay mukhang malapit na kami sa probinsya nila lola. Medyo maliwanag na rin sa labas. Tinignan ko yung orasan ko at nakita na alas singko na pala. Halos 8 hours din pala yung byinahe namin. Sa di kalayuan naman ay meron na kong nakikini-kitang signage. Welcome to San Constancia Arko ng baryo nila lola, na nalaman ko dahil sa pagkwekwento ni Mama kay Papa kanina, at ngayon nga ay madadaanan na namin. Simple lang pala yung lugar nila lola. Parang ordinaryong baryo lang tulad ng sa mga nakikita ko sa teleserye. "Anak welcome sa hometown ko!!" Sabi ni Mama. "Ma--" Magtatanong sana ko kay Mama ng meron akong biglang naramdaman. Yung pakiramam na parang bumulusok pababa yung sinasakyan mong roller coaster. Tatanungin ko sana sila Mama, kaso pagtingin ko sa kanila parang wala silang naramdaman. Kaya ipinagsawalang bahala ko na lang. Guni-guni ko lang siguro yon. Nginitian ko na lang si Mama at ibinaling ang tingin ko sa labas. Woah. Hindi ako makapaniwala sa kung anong nakita ko. Ibat-ibang elemento ang nakikita ko sa paligid at mga lumilipad sa hangin. Merong malalaki at maliit. Meron ding adang katulad ni Francine at ang dami nila. Parang mga alitaptap na nagbibigay ng magical na feeling sa paligid. Hindi ko nga alam kung anong magiging reaksyon ko. Kung matatakot ba'ko o matutuwa. Kasi maliban sa ada, ngayon lang ako nakakita ng iba pang elemento. Meron yung sinasabi nilang kapre, maliliit na nilalang o dwende ata yun, tapos yung nilalang na kalahating tao at kabayo at marami pang ibang nilalang. Nakakamangha talaga. Pero ang nakapagtataka lang ay parang hindi sila nakikita ng mga taga rito. Dinadaan-daanan lang nila yung mga elemento na para bang wala lang sa kanila at yung iba pa nga tinatagusan lang na parang hangin. It seems like they were living together but at the same time not. Na parang nasa iisa lang silang lugar pero different dimension. Biglang huminto yung sasakyan namin. "Naku! Nakalimutan kong pyesta nga pala ngayon dito." Biglang sabi ni Mama kaya napatingin ako sa pwesto nya. Pagtingin ko uli sa labas wala na sila. "Hala asan na sila?" Bulong ko sa sarili ko. "Ano yun 'nak?" "Ah wala Ma, sabi ko na timing-an pa tayo." Naipit kasi yung sinasakyan namin sa traffic, dahil sa parade na nagaganap sa labas. Wala na kaming nagawa kundi sumabay nalang sa mala pagong na agos ng traffic. Ano kayang nangyari at nawala yung mga nilalang? Hindi ko mapigilang hindi manghinayang. Sayang naman yung makukuha kong impormasyon tungkol sa kanila. Pwede ko pa namam sanang ilagay yun sa personal journal ko tungkol sa mga nilalang na nae-encounter ko. Naging ugali ko na kasi na isalaysay sa journal ko sa tuwing may makikita o makakasalamuha akong kakaibang nilalang. Nilalagyan ko rin mga imahe na ako mismo ang gumihit. Para ng sa ganun hindi ko makalimutan yung mga impormasyon tungkol sa kanila, na naniniwala akong pwede kong magamit para makatulong. Kesa magmuk-mok at maginit ang ulo ay i-enjoyin ko na lang yung nagaganap na parade. Pero  pagtingin ko sa labas mga kapwa sasakyan lang din yung nakita. Meaning nasa likurang bahagi kami ng parade. Asar. --- Nakatunghay lang ako sa labas at pinapanuod yung mga sasakyan at mga taong nanonood ng parade, ng meron akong biglang napansin.  Agad akong nabuhayan ng loob at naisipang ilabas ang cellphone ko para makuhanan sila ng litrato. Hindi pala lahat ng elemento nawala kanina. Meron pang natira. Pero itong elemento nato wala doon sa mga nakita ko kanina. Napansin ko sila dahil sa kulay ng suot nila at pagiging kakaiba nito. Kulay itim lahat at napaka elegante. Nung unang tingin ko nga akala ko kasali sila sa parade eh, pero parang overdressed naman masyado kung ikukumpara sa ibang kasali. Tsaka nasa isang tabi lang sila at parang nagmamasid lang, ni hindi man lang nga sila ngumingiti. Kung titignan sila para lang silang mga tao. Ang kakaiba lang sa kanila ay yung pointed na tenga sa gilid ng ulo nila tsaka yung height nila. At isa pa ang tatangkad nila at ang peperfect ng features. Para silang mga drawing na in 3D version. Hindi ko maiwasang hindi mamangha dahil sa taglay nilang ganda. Ni yung plano ko ngang pagkuha ng litrato nawala sa isip ko. Para kong naestatwa sa kinauupuan ko at nahipnotismong sa kanila lang mapatingin. Para kong naengkanto. Engkanto? Bigla akong nahimasmasan ng maisip ko yun. Bakit hindi ko agad naisip yun. Hindi kaya mga engkanto sila. "Hay sa wakas nakarating narin!!" Nawala ako sa pag-iisip ko ng biglang sumigaw si Mama. Pagtingin ko uli sa labas wala na sila. Nanaman. Bakit ba sa tuwing nagsasalita si Mama, nawawala rin yung mga nilalang. " 'Nak baba na. Andito na tayo." Bumaba ako sa sasakyan namin para makita sila lola, pero pagbaba ko hindi sila lola ang sumalubong sa'kin kundi yung mahabang pila ng mga tao. "Ma, bakit may pila kila lola?" Nagtataka akong tumingin kay Mama. "You'll see." Nacurios naman ako dahil sa sinabi nya. Dirediretsong naglakad si Mama at hindi na inalintana yung mahabang pilang sisingitan nya. "Hoy nasa likod yung hulihan ng pila!" "Bawal singit dito!" "Oi pumila ka naman ng maayos!" "Hoy hindi mo ba nakikita yung pila." Sunod sunod na reklamo ng mga taong nakapila dahil sa ginawa ni Mamang dirediretsong pagpasok sa loob. Tumingin si Mama sa mga taong nakapila at tila nainis ata sa mga pinagsasasabi nila. "Bakit pa'ko pipila eh bahay namin 'to!" Sabay turo sa doon sa lumang bahay na ang itsura ay parang bahay noong panahon ng mga kastila. Mataas to at malawak tignan, at kailangan pang umakayat ng halos sampong baitang sa simentadong hagdan para makarating sa pinakapinto ng bahay. Hindi na nagawa pang umimik ng mga taong nagreklamo dahil agad ding ipinagpatuloy ni Mama yung paglalakad nya. "Ma...Ma! Nandito na kami Ma!" Sigaw ni Mama ng makarating sya sa pinto. Kami naman ni Papa ay napagdesisyunan na ring sumunod kay Mama dahil pinagtitinginan na rin kami ng mga tao. Bumukas ang pinto at inilabas nito ang isang ginang na meron ng puting buhok pero hindi pa kakikitaan ng katandaan, dahil hindi pa kulubot ang balat nito at mukhang mga nasa late 40's pa lang ang edad. "Anak!" Tuwang-tuwang sigaw nito at biglang niyakap si Mama.  "Buti naman at nagawa nyong makapunta dito." Dugtong pa nya. Ibinaling naman nya yung tingin nya kay Papa at nginitian ito. Pero parang nagulat sya ng makita nya ko. Merong parang kung ano syang kinikilatis sa katawan ko. Biglang nawala yung pagkagulat sa mukha nya at napalitan 'to ng matamis na ngiti ng mapatingin sya sa tila naguguluhan kong mukha. Inalis nya ang pagkakayakap nya kay Mama at nilapitan ako. "Ikaw nabayan apo ko?" Tanong nito sa'kin. Bigla akong nahiya kaya iniyuko ko yung ulo ko. "O-opo lola." Nagulat ako ng bigla nya kong niyakap. "Apo 'ko ang laki mo na. Sayang at hindi kita nakitang lumaki. Natulungan pa sana kita sa kakayahan mo." Naguluhan naman ako sa sinabi nya. Tinutukoy kaya nya yung third eye ko? Pero paano nya nalaman 'to? Sinabi kaya ni Mama? "Pasok na kayo." Sabi ni lola habang pinapapasok kami sa loob. Pagpasok sa loob ay naupo kami sa sofa nila lola. Sa harapan nito ay isang lamesitang gawa sa kahoy na napapaibabawan ng iba't-ibang bote na naglalaman ng mga ugat ata yun ng halaman at langis. Meron ding mga bato at mga kwintas--anting anting siguro. Pero bakit may mga ganito si lola. "Ma, nanggagagamot ka parin pala. Akala ko ba titigil kana." Tanong ni Mama. "Oo anak kailangan eh. Alam mo namang maraming nangangailangan ng tulong ko. " Sagot ni lola. Kinalabit ko si Mama para makuha yung atensyon nito." Ma, doctor pala si lola." Parang nagtatanong na sabi ko. "Uhm...sabihin na nating gan'on nga 'nak pero ang kaibahan lang, hindi mga prinosesong gamot yung ginagamit nya, kundi mga halamang." Paliwanag ni Mama. "Albularyo ang tawag sa'kin apo." Sabi ni lola, na narinig pala yung pagtatanong ko kay Mama. "Araaay!" Nagulat ako ng biglang merong sumigaw sa loob ng isang kwarto. Parang nahihirapan to sa sakit. Tumayo agad si lola at pinasok ang kwartong pinanggagalingan ng sigaw. Umiral ang pagka-curious ko kaya sinundan ko si lola. Si Mama naman ay hindi natinag, at parang sanay na kaya imbis na sumunod din sya kay lola ay pinaliwanagan na lang si Papa tungkol sa kung anong nangyayari. Hindi rin pala alam ni Papa ang tungkol kay Lola. Sa loob ng kwarto ay nakahiga ang isang lalaki na syang pinanggagalingan ng mga iyak. Umaaray ito habang hinihilot ang malalaki at tila namagang paa. Si lola naman ay nakaupo sa isang gilid habang nakayuko at tila nagdadasal. Pinakinggan ko kung ano yung dindasal nya pero hindi ko naman maintindihan. Nang matapos magdasal si lola ay tumingin to sa taas at tila parang may hinihintay na magpakita doon. Di nagtagal ay parang merong puting usok na namuo sa may tabi ni lola at unti-unti ay lumabas dito ang isang napakagwapong lalaki. Tinitigan ko tong mabuti at tila kinikilatis. Nakasuot sya ng isang mahabang roba na tulad ng sa mga greek gods and goddess. Naka tirintas naman ang mahaba nitong buhok na kulay puti din. Sa magkabilang kamay nya ay merong polseras na ginto. Ganoon din sa mga paa nya. Sa gilid ng ulo nito ay mayroong matutulis at mahabang tenga. Napaka gwapo rin talaga nito at hindi ko maidescribe kung gaano sa kagwapo. Inilagay nito ang isa in nyang kamay sa balikat ni lola. Si lola naman ay ngumiti at tsaka tila sumandal sa kamay nitong nakalagay sa balikat nya. Habang tinititigan ko sya ay naisip ko yung mga nilalang na nakita ko kanina. Yung may mga matutulis ding tenga at halos perpektong mga features. Halos kahawig nga nya yung mga nilalang na yun eh. Ang kaibahan lang ay halos itim ang kasuotan at buhok noong mga nilalang kanina at ang nakatayo sa naman  harapan ko ay puti. "Engkanto." Huli na ng marealize kong nasabi ko pala ng malakas yung inisip ko. Dahil sa nangyari ay nakuha ko ang atensyon ni lola at noong nilalang, at sabay silang napatingin sa direksyon ko. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD