Hope's POV Ilang linggo akong nagstay sa hospital dahil doon sa nangyari. Ilang linggo rin akong hindi nakapasok sa eskwelahan kaya naman ngayon ay namimiss ko na ang mga bata. Nahuli rin ang magnanakaw, pero hindi pa naisasauli ang mga ninakaw niya sa akin dahil naibenta niya na raw sa pawnshop. Ngayon, hahanapin ko pa kung saan pawnshop! Lunes ngayon kaya naman excited akong pumasok dahil sa wakas ay makikita ko na sila. Sobrang gaano din ng pakiramdam ko dahil sa wakas, wala na akong dinadalang kahit na anong takot. Nanibago ako dahil sobrang tahimik naman yata ngayon, kung sabagay...maaga pa naman, alas sais lang ng umaga at dahil namiss ko nga sila, sobrang aga ko pa. Ako pa yata ang magbubukas sa buong school. I unlocked my classroom. Itinulak ko ang pinto at binuksan ang

