Hope's POV "Hey! Good morning, Miss!" bungad na pagbati sa akin ni Froi nang maabutan ko siyang nasa kusina habang nagluluto ng hinuha ko ay pagkain niya lang. "Good morning!" bati ko pabalik sa kanya at dumiretso sa refrigerator para i-check kung ano'ng meron doon para mailuto. "Si bosing?" tanong niya pa habang inilalagay ang lutong bacon sa pinggan. "Hindi ko alam. Hinahanap ko nga rin kasi paggising ko kanina wala siya eh..." I said as a matter of fact. "Baka nga..." iyon nalang ang nasabi ko. Alas singko y media palang ng umaga kaya iyon nga siguro. Ang nakakainis lang, bakit hindi niya ako isinama?! "Gusto mo, Miss?" alok sa akin ni Froi sabay lahad ng lutong bacon sa harapan ko. "Okay na ako sa kape. Uhm...pwedeng palagyan ako nitong baso ko ng hot water, please?" I a

