Hope's POV "Dahan-dahan lang, Miss. Baka mabulunan ka." Si Froi nang mapansing hindi ko man lang hinihipan ang lugaw na niluto nilang dalawa. "Hindi. Ang sarap kasi eh, magluto pa kayo ng ganito bukas ah?" Sabay naman silang napatango habang nakangiwi. Nang matapos akong kumain ng lugaw ay inilagay ko ang mangkok na ginamit ko sa lababo. "Nagugutom pa ako...parang gusto ko ng mangga tapos strawberry tsaka grapes tapos dalandan tapos–" "Makakaya mo kayang kainin lahat niyang sinasabi mo, Miss?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Froi. "Don't ask you idiot! Just go and buy what she wants," utos ni Perseus kay Froi. "Oh? Ako pa bibili? Boss nam–" "Go or I'll shoot you?" dinig kong banta ni Persues kay Froi kaya ito natahimik at dahan-dahang lumabas sa kusina. "Galit ka

