Hope's POV Huling araw namin ito sa rito Isabela at wala rin akong lakas para bumangon dahil hinihila pa ako ng antok at...pagod. Para akong nagjogging ng isang daang kilometro dahil sa sakit ng mg hita ko dahil sa "paniningil" na sinasabi ni Perseus kahapon. One isn't enough for him so it made me suffer today. "Good morning, wife..." isang malambing na bulong ang sumalubong sa akin. Marahang halik sa aking balikat paakyat sa aking leeg ang siyang nagpamulat sa mga mata ko. "Hmm..." iyon lang ang naging reaksiyon ko. Sinubukan kong gumalaw at kaagad na napangiwi. Kaagad akong nagsisi. "Don't move just...yet." Si Perseus. Nang balingan ko siya ang nakangisi pa siya. Tuwang tuwa naman ang isang ito! "It's your fault," mahina kong sinabi. Hinatak ko rin ang kumot para matakpan ang mu

