ILIANA'S POV:
--
NANG makapasok kami sa kwarto ko, binitawan ako ni Kuya Eli nakapamulsa itong humarap sa akin.
"Change your clothes, I'll be back." aniya at saka ako tinalikuran.
Bagsak ang balikat na isinara ko nang marahan ang pinto ng aking kwarto at saka ko inalis ang bag na dala ko at inilagay 'yon sa ibabaw ng kama. Napapabuntong-hiningang kumuha ako ng tuwalya na nakasabit sa pinto ng walk-in closet ko at saka ako pumasok sa loob ng banyo na nandito sa aking kwarto.
Hinubad ko ang aking damit at saka ako humarap sa shower at malamig na tubig ang siyang sumalubong sa akin. Marahan kong hinawakan ang pisngi ko at ramdam ko pa rin ang kirot mula sa mag-asawang sampal na galing kay Mommy.
Hindi ko alam kung ano na naman ang ikinakagalit niya gayong tatlong araw akong wala sa bahay dahil sa medical mission na pinuntahan namin ni Jerro at ng grupo niya. Sa totoo lang, wala naman akong natatanggap na sahod sa pagsama ko kina Jerro pero hindi naman importante sa akin 'yon.
Natutuwa kasi akong makisalamuha sa mga iba't-ibang uri ng tao sa isang liblib na lugar. Nabuhay ako na puro karangyaan ang nasa paligid ko at ni minsan hindi ko naranasang madungisan sa katawan dahil puro libro lang naman ang kaharap ko noong bata ako at nitong mga nakalipas na taon lang nang makapagtapos ako sa kursong medisina, doon lang lumuluwag ng kaunti si Mommy sa akin pero dapat pa ring masunod ang gusto niya.
Nang matapos akong maligo, agad kong sinuot ang itim na roba na nasa tabi ng sink at binalot nang tuwalya ang buhok ko. Paglabas ko ng banyo, nadatnan ko si Kuya Eli na nakahiga sa kama ko habang nakapatong ang isang braso nito sa ibabaw ng kanyang noo at ang isa ay nakalapat sa kanyang tyan.
Hindi ko siya pinansin, bagkus, kumuha lang ako ng damit sa aparador ko at saka ako muling bumalik sa banyo para mag-bihis. Isang itim na pajama na gawa sa silk ang sinuot ko at saka ako muling lumabas ng banyo at pinapatuyo ang buhok ko.
Umupo ako sa tabi ni Kuya Eli habang kinukuskos ang basa kong buhok.
"Kuya..." tawag ko rito.
"Hmmn?" paungol na sagot nito. Mukhang pagod na pagod ito mula sa hospital na pinagsisilbihan nito.
"Bakit ka umuwi? Hindi ka ba pagagalitan ni Daddy?" malumanay na usisa ko rito.
Sa aming anim na magkakapatid, ako lang ang babae at lahat kami ay doctor. Bunso ako sa aming magkakapatid at lahat sila ay kasundo ko lalong-lalo na si Kuya Eli; pangatlo sa aming magkakapatid.
"I don't care about that old man. Come here.." pikit-matang inabot ni Kuya Eli ang braso ko at saka niya ako hinila pahiga sa tabi niya at ginawa kong unan ang kanyang braso at niyakap siya. "Umuwi ako para kumuha ng gamit kaso nadatnan ko ang ginawa sa'yo ni Mommy. Alam mo namang hindi kami pumapayag na masaktan ka kaso hindi namin magawang kalabanin si Mommy."
"Pero si Daddy nagagawa niyong suwayin?" sambit ko.
"Because he's a guy too and we respect Mom as we respect you as our princess pero hindi namin kayang makita na saktan ka niya porket siya ang nagluwal sa atin."
Humigpit ang yakap ko kay Kuya Eli. Bata pa lang ako, sila talaga ang pumoprotekta sa akin pero sa tuwing pagbubuhatan ako ni Mommy ng kamay, tanging pagpipigil lamang ang ginagawa nila para hindi ako lalong saktan ni Mommy sa mga bagay na wala akong ideya kung may nagawa ba akong mali.
"Sanay naman na po ako kay Mommy kahit wala akong ideya kung ano bang mali sa ginawa kong pagsama kay Jerro sa medical mission."
Ang huli kong natatandaan, nag-away kaming dalawa ni Mommy dahil gusto niya akong makipag-kita sa anak na lalaki ng kanyang kumare na isa ring mayaman. Sa edad kong 'to dapat nga ay meron na akong asawa pero dahil sa pressure na idinidiin sa aming magkakapatid, hindi namin magawang makatagpo ng taong mamahalin kami ng totoo at tatanggapin ang mga flaws namin sa katawan.
Akala kasi ng mga tao perpekto na kami sa paningin nilang lahat, na hindi kami nakakagawa ng mali pero ang totoo bawat ginagawa namin ay mali sa mata ng mga taong nakapaligid sa amin lalo na kay Mommy.
"Just ignore her and do what you love." ani ni Kuya hanggang sa maging banayad ang paghinga nito at mukhang tuluyan nang nakatulog kaya naman ipinikit ko na rin ang mga mata ko at magkayakap kaming natulog ni Kuya Eli sa kama ko.
Kinabukasan.
Naunang nagising si Kuya Eli sa akin at siya na rin mismong gumising sa akin.
"You should take a bath, Liana, sumama ka sa akin sa hospital." wika nito habang ginigising ako kaya naman bumangon ako mula sa kama at pupungas-pungas ang mga matang tinignan siya.
"Ayoko sa hospital, ang boring don." tamad na sagot ko rito.
"I need your assistance for my operations, baby. Please? Give Kuya a little help," paglalambing pa nito.
"Fine. I'll go with you." pagsang-ayon ko na lamang dahil tiyak na hindi niya ako titigilan.
Kahit inaantok pa, dumiretso ako sa banyo at ginawa ang ritwal ko every morning. Isang white t-shirt at maong pants ang sinuot ko. Cellphone at wallet lang ang dadalhin ko at ang lab gown dahil tutulongan ko si Kuya Eli.
Pagbaba ko nang hagdan, dumiretso ako sa kusina at nadatnan ko si Kuya Eli na nagkakape at si Mommy na umiinom ng kanyang tea. Maging sina Kuya Eren, Kuya Eliot at Kuya Edward ay nasa hapag.
"Morning Mom, and Kuya's," mahinhing bati ko sa kanila at saka isa-isa silang hinalikan maliban kay Mommy dahil tumikwas ang kilay nito sa inis sa akin.
"Hindi ka sasabay sa amin sa pagkain, Iliana," mataray na sambit ng babae.
"Ma!" ani ni Kuya Edmar.
"What? She needs to learn her mistakes by disobeying my orders. Makikipagkita lang naman siya sa anak ng kumare ko pero sumama siya kay Jerro sa medical mission sa Tondo? What if, nakakuha siya ng sakit don?"
"Bakit mo ba binubugaw ang sarili mong anak sa mga kumare mo? Bilyon ang tao sa mundo kaya tantatanan mo si Iliana," ani ni Kuya Eli kaya naman nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at napayuko.
"What did you say Eli Prince Lawford? Bawiin mo 'yong sinabi mo!" inis na sambit ni Mommy.
"Tapos na akong kumain. Isasama ko si Iliana sa hospital." padabog na itinapon ni Kuya Eli ang table napkin na ginamit niyang pamunas sa kanyang bibig at saka tumayo mula sa kinauupuan nito.
"I should go too."
"Me too."
Sabay-sabay na nagsitayuan na rin sina Kuya Eliot, Kuya Eren at Kuya Edmar. Lumapit sila sa pwesto ko at saka ako inakbayan ni Kuya Eliot at saka ito naglakad palabas ng kusina. Rinig pa namin ang galit na boses ni Mommy pero hindi siya pinansin ng mga nakatatanda kong kapatid.
"Kumain na lang tayo sa labas? Nakakawalang gana sa bahay na 'to." ani ni Kuya Edmar.
"Tara. Saan mo gustong mag-almusal, Liana?" usisa ni Kuya Eli sa akin.
"Uhm, kahit saan po. Kayo na pong bahala." nagkibit-balikat na lang si Kuya Eli at saka sila lumapit sa kani-kanilang kotse.
Kay Kuya Eliot ako sumabay at nag-convoy na lang kami palabas ng mansyon.
"Sinasaktan ka na naman ba ni Mommy?" basag ni Kuya Eliot sa katahimikan namin habang binabaybay ang kalsada palayo sa Lawford mansion.
"Kagabi po, sinampal niya ako at nadatnan kami ni Kuya Eli," rinig ko ang pagbuntong-hininga ni Kuya Eliot dahil sa sinabi ko.
"Why don't you find a man who will get you away from that hell?" aniya.
"Kuya, wala pa sa isip ko 'yan." tutol ko.
"At hayaan kang saktan ni Mommy araw-araw? You know what bunso, ang pagpapakasal mo na lang ang huling alas mo para makalaya sa kuko ni Mommy. Huwag ka nang gumaya sa amin na mga Kuya mo."
Napayuko na lang ako sa aking mga kamay na nakadantay sa aking hita. Mula nang maging ganap na doctor ang mga kapatid ko, gusto na lang nilang tumira sa hospital at minsan na lang kaming mabuo sa bahay. Kung hindi uuwi si Kuya Eli o kung sino sa kanila, walang sasaway sa pananakit ni Mommy sa akin.
"Mahirap 'yang sinasabi mo Kuya. Gusto ko namang maranasang mahalin at magmahal. Yung tipong siya na talaga ang para sa akin hanggang dulo hindi 'yong gagawin ko lang siyang display at panangga sa pwedeng gawin sa akin ni Mommy at ng angkan natin. Napapagod din naman ako pero wala akong magawa dahil hindi ko pa naman natatagpuan ang lalaking para sa akin."
Hindi na umimik pa si Kuya Eliot hanggang sa huminto ang kotse nina Kuya Edmar, Kuya Eren at Kuya Eli sa isang restaurant kaya naman huminto na rin ang kotse na kinalulunaran namin at sabay-sabay kaming bumaba ng sasakyan.
Pagpasok namin sa resto, sinalubong kami ng waiter.
"May reservation po, Sir?" ani ng waiter.
"Yes, Edmar Lawford," sagot ng isa kong kapatid.
"This way, Sir."
Iginiya kami ng waiter sa isang sulok na kasya kaming lima. Pinaghila ako ni Kuya Eren ng upuan at saka ito naupo sa tabi ko at nag-kani-kaniya na ring pwesto ang tatlo.
Sila na rin ang nag-order ng pagkain na para sa akin kaya naman nag-cellphone na lang ako habang naghihintay ng pagkain. Nagbukas ako ng social media at nakita ko ang pangalan ni Felix, he's my cousin, sa mother side so I chatted him.
"Yo, Felix, how are you?"
"Busy with work, Liana. Brb."
Napangiwi na lang ako dahil sa pagiging abala nito. Minsan ko na nga lang siyang kausapin, madalang pa.
Nang dumating ang pagkain namin, agad kong inilapag ang phone sa tabi ko at pinagsilbihan ako ni Kuya Eren.
"Kumain ka ng marami, Liana," ani ni Kuya Eren sa akin matapos niyang ilapag ang pagkain sa harapan ko.
"Bakit? Mukha ba akong nangangayayat?" usisa ko naman dito.
"Not really, pero gusto ko na mataba ka para may mapisil ako sa pisngi mo."
Napanguso na lang ako sa kanyang tinuran. Kahit gaano ka-busy sa trabaho ang mga Kuya, nagagawa pa rin nila akong alalahanin imbes na maghanap sila ng aasawahin.
"Bakit hindi ka na lang mag-asawa para naman hindi ako ang mapagbalingan mo?" sambit ko dahilan para matigilan ang iba naming kapatid at mapatingin sa gawi ko.
"Liana, we oath our pledge for each other na dapat mauna kang mag-asawa bago kaming mga kapatid mo dahil mas nakaka-bother kung aabot ka ng kwarenta ay wala ka pa ring asawa." ani ni Kuya Edmar.
"Bakit? Anong masama kung hindi ako makapag-asawa?" inosenteng usisa ko.
"Hindi rin kami mag-aasawa." sabay-sabay nilang sambit na siyang ikinalaglag ng panga ko.
Ibang klase talagang mag-isip ang mga kapatid ko at mukhang wala talaga silang balak na mag-asawa hanggat wala akong pinapakilalang lalaki sa kanila. I'm just twenty-seven for god sake. Malayo pa para maabot ko ang edad na kwarenta.