Kabanata 1: Medical Mission

1739 Words
ILIANA'S POV: -- "DOC, masakit po ang puso ko. Umiibig na yata sa'yo." Umalingawngaw ang tuksuhan at sigawan sa paligid habang sinusuri ko ang isang binatilyo na nakapila sa gawi ko. Kasalukuyan kaming nasa Tondo at gumagawa ng medical mission para sa mahihirap at ngayon nga, halos karamihan sa mga binatilyo, binata, at may asawa ay nakapila sa mesa ko para magpatingin ng kanilang nararamdaman sa kasu-kasuan. "Puro ka kalokohan. Lumayas ka na nga at marami pa ang nakapila." pangtataboy ko rito at itinuro ko pa ang mahabang pila na nasa likuran niya. Sa isang tagong sports complex sa loob ng isang baranggay dito sa Tondo ginanap ang medical mission kasama ang ilang doctor na tulad ko. Lima kaming doctor at limang nurse ang siyang nag-aassist sa amin. Sa mundo ng medisina, mas pinili kong makipagsapalaran at makisalamuha sa iba't-ibang uri at pag-uugali ng tao. Ayaw ko kasing manatili sa loob ng hospital at maupo sa loob ng opisina hanggang sa sumapit ang dilim. Mas gusto kong harapin ang mga tao araw-araw at kahit pahinga ay hindi ko na magagawa dahil masyado akong nawiwili sa pakikipag-kwentuhan sa bawat pasyenteng napupunta sa akin. "Doc naman. Minsan na nga lang kita masilayan sa Tondo itataboy mo pa ako? Ah! Masakit sa heart." Napapailing na lang ako sa kalokohan niya at bigla itong binatukan ng taong nasa likod nito dahil tumatagal na siya sa harapan ko. "Masasaktan ka talaga kung hindi ka aalis." Hinawakan nito sa damit ang binatilyo at basta na lang pinaalis sa kinauupuan nitong upuan na gawa sa plastik at siyang pumalit sa harapan ko. "Ano pong nararamdaman niyo?" usisa ko rito. "Ah, Doc, nakakaramdam kasi ako ng pagkahilo kapag nasisikatan ako ng araw. Sa tingin niyo po normal lang po 'yon?" Napabuga ako ng hangin dahil sa wakas nagkaroon ang ng matinong pasyente. Yung mga nauna kasi puro kalokohan ang inuna imbes na kalusugan ang ipasuri sa akin. Utak yata ang kailangang suriin sa mga 'yon at hindi ang kanilang kalamnan. "Naku, hindi po. Mahina po ang tolerance niyo sa sikat ng araw at may posibilidad na ma-heat stroke po kayo. I suggest, you should wear something to protect your head or eyes everytime you go out from your house. And ugaliin po nating uminom ng maraming tubig." "Salamat, Doc. Gumaan bigla ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niyo." Napangiwi na lang ako at kumuha ng papel at ballpen na nasa mesa ko. Hindi ko pinapahalata sa kanila na natutuwa ako sa kanilang mga bata at baka lumaki ang ulo bigla at harangan ako sa labas ng kanilang teritoryo. "Bibigyan na lang po kita ng bitamina para lumakas po ang inyong resistensya. Huwag niyo lang pong kalimutan na magbaon ng tubig araw-araw." Iniabot ko kay Manong ang reseta ng bitamina at isang tabla ng tableta. Libre lang 'yon kaya hindi sila mamomroblema lalo na't marami kaming dalang gamot. Nang umalis ang lalaki sa harapan ko, panibagong pasyente ulit ang umupo sa silya at hindi ko namalayan na inabot na pala kami ng hapon kung hindi pa nagsalita ang isa sa kasamahan ko. "Alright, guys," sigaw ng kasamahan ko dahilan para maagaw niya ang atensyon ng lahat. "May bukas pa po tayo para magpatingin ng nararamdaman natin kay Doctora Lawford. Sa mga hindi po umabot, balik na lang po kayo bukas." "Ay, ano ba 'yan?" "Malapit na ako, bakit nahinto?" "Gagu! Malamang pagod na si Doctora. Nakita mo bang kumain yan ng tanghalian o meryenda? Hindi diba?" "Ay oo nga." "Tara, balik na lang tayo bukas." "Kawawa naman si Doctora Ganda, hindi nga pala yan umaalis sa kanyang upuan mula pa kaninang umaga." Nakagat ko na lamang ang pang-ibabang labi ko dahil dismasyado ang ilang mga tao na pumunta sa medical misyon namin. "Pasensya na po. Hindi pa po kasi nagpapahinga si Doctora. Tatlong araw naman po kami dito sa lugar niyo kaya humihingi po sana kami ng pang-unawa sa inyo." pag-hingi ng paumanhin ni Jerro. Isa sa mga doktor na kasama namin dito. Sumandal ako sa kinauupuan ko at napahawak sa aking batok. Doon ko lang naramdaman ang pagod kung hindi pa nag-call out si Jerro. "Okay ka lang ba?" Napalingon ako kay Wadji, isa ring doctor na tulad ko. "I'm fine. Hindi ko napansin ang oras." tipid na sagot ko rito. "Hindi mo nga napansin na hinatiran ka ni Jerro ng pagkain kanina. You shouldn't force yourself Iliana. Tao ka, hindi ka robot." Napayuko ako sa sarili kong mga kamay dahil sa sinabi ni Wadji. I may look like a person but deep inside I'm all empty at tulad nga ng sabi niya, mukha akong robot na de-susi. Ang pamilya Lawford ay kilala sa mundo ng medisina na naging dahilan ng pagiging miserable ko. Ayokong maging doctor pero 'yon ang gusto ng parents ko kaya wala akong nagawa kundi sundan ang yapak nila. Hindi ako pwedeng mag-reklamo kasi anak lang ako. At hindi ako pwedeng sumuway sa gusto nila dahil wala naman akong sariling pera para tustusan ang sarili ko. Sa totoo lang, hindi ko maramdaman na tao ako dahil sa paligid ko, parang kusa na lang akong kumikilos. Walang sariling desisyon. Walang sariling pagkakakilanlan. "Okay lang ako Wadji. You don't have to worry about me. Pupunta muna ako sa tent." Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Wadji at saka ako tumayo mula sa kinauupuan ko at nakapamulsang naglakad patungo sa tent na itinayo namin sa paligid ng sports complex. May bubong naman kaso itinayo lang namin ang tent na namin para may matulogan kami at hindi kami papakin ng lamok. Sikat ang Tondo sa masamang gawain pero nang magpunta kami rito, mainit ang pagsalubong nila sa amin kaya naman natuwa kami sa kanila. Bukod sa mapagbiro ang ilang tao rito, alam nila kung saan sila tatayo base sa kanilang pamumuhay. I mean, hindi ko sila minamaliit sa bagay na meron ako na wala sa kanila dahil mas gusto ko pang manirahan kasama sila kaysa sa sarili kong pamilya na ginagawa akong di-susi. Pumasok ako sa tent at kinuha ang bago ko at hinubad ang lab gown na suot ko. Hindi naman na 'to kailangan kaso nasanay na akong suot ang lab gown. Itinupi ko 'yon ng maayos at isinilid sa bag ko. Kumuha rin ako ng pantali at ipinusod ang aking buhok bago ako muling lumabas ng tent nang may humintong pares ng sapatos sa harap ko. Pagtingala ko, ang bulto ni Jerro ang tumambad sa akin. "Hindi ka kumain?" aniya habang may hawak na styro at mukhang kinuha niya yun sa mesa ko kanina. "Nakalimutan ko." Tuluyan na akong tumayo at hinarap si Jerro. "Iliana, doctor ka at ikaw mismo ang magliligtas sa buhay ng tao pero pinapabayaan mo naman ang sarili mo? Isinama kita dito sa medical mission dahil 'yon ang gusto mo para makawala sa anino ng mga Lawford at makahinga ka ng maluwag pero anong ginagawa mo?" Hindi ko mapigilang makagat ang labi ko dahil sa panenermon ni Jerro. He's my childhood friend and he knows that I am suffering inside our house especially the Lawford family. "I'm sorry, Jerro." tila bulong sa hangin na sambit ko. Nangingilid na rin ang luha sa mga mata ko dahil sa tuwing magsasalita si Jerro, umiiyak ako. "I don't need your sorry, Iliana. Pull yourself together and don't do something you'll end up on your death bed." Marahan akong tumango kay Jerro at tinanggap ang pagkain na iniabot niya sa akin. Kung pwede nga lang na mamatay na lang ako, sana noon ko pa ginawa. Isa si Jerro sa mga taong nasasandalan ko sa tuwing nagkakaproblema ako sa loob ng pamilya namin at nitong mga nakaraang araw ay kinukulit ako ng mga magulang ko na naging dahilan para pakiusapan ko si Jerro na isama niya ako sa medical mission. It's kind of suffocating everytime I stayed alone in our house. Although, may mga kasambahay naman pero iba pa rin yung merong sariling kalayaan. Para akong nasa isang kulungan na walang karapatang bigyan ng kalayaan hanggat hindi pa napapakinabangan at 'yon ang ipinaparamdam sa akin ng aking mga magulang. Naglakad ako patungo sa isang sulok at umupo sa isang arm chair na pinahiram sa amin ng kapitan ng baranggay mula sa elementarya na sakop ng kanilang lugar. Inilapag ko ang styro at bottled water na binigay sa akin ni Jerro at saka ako nagsimulang kumain. Nang lumapat ang kutsara sa aking bibig. Doon ko lang naramdaman ang pagod at gutom kaya hindi na ako nag-atubiling ubusin ang pagkain na binigay sa akin ni Jerro. Tila isa akong hayop na gutom na gutom at any minute ay mangangagat na lang ako bigla. Makalipas ang ilang minuto, natapos akong kumain at siya namang paglapit sa akin ni Hannah, isa ring doctor na kasamahan namin. "You okay?" aniya nang makalapit ito sa akin at naupo sa bakanteng silya na nasa tabi ko. Bakit ba sila nagtatanong kung ayos lang ako gayong halata naman na hindi? "I'm fine. Kumain ka na?" Taliwas sa isip ko ang ibinubuka ng aking bibig at parang gusto kong batukan ang aking sarili dahil nagsisimula na akong mag-maldita kay Hannah gayong mabait naman ito sa akin. "Hindi pa. Magpapahanda raw si Kapitan ng pagkain para sa atin. Mukhang nalipasan ka na naman ng gutom?" usisa nito nang makita ang styro sa harap ko. "Oo eh. Hindi ko napansin ang oras." Bumaling ang paningin ni Hannah sa harapan namin at tinitigan ang mga bahay na unti-unti nang nagkakaroon ng liwanag dahil magga-gabi na. "Hindi mo lang pinansin dahil masyado kang focus sa ginagawa mo. Try to loosen up yourself Iliana. Hindi lang ikaw ang doctor sa samahan natin." Alam kong naapektuhan sila sa ikinikilos ko dahil nakita naman nila kung gaano kahaba ang pila sa akin samantalang bilang lang sa daliri ang nagpapasuri sa kanila. "I know but I'm used to it. I mean, talking with the patience about their health and how they are struggle with their lives? Maraming kwento ang nabubuo sa bawat araw na nakakasalamuha ko sila." "Oo pero ang kalusugan mo naman ang pinagpapalit mo. Hindi masama ang magpahinga at kumain sa loob ng dalawang oras Iliana habang nasa trabaho tayo. Maraming tumutulong sa atin at isa pa doctor tayo hindi ang tampulan ng kwento sa pinilakang tabing." Nagkibit-balikat na lang ako sa sinabi ni Hannah at hindi na umimik pa. May kani-kaniya naman kaming pananaw sa buhay at ang pakikisalamuha sa kapwa ay isa sa mga kayamanang itinuturing ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD