Chapter 3

1380 Words
DYE Lance. Lance daw ang pangalan n'ya at asawa ko s'ya. Well, at least I know he has a nice nickname and his voice is -- how do I describe it? He has a bedroom voice. Parang sa pelikula, 'yong ayaw mo ng lumabas ng kwarto at manatili ka na lang sa bisig n'ya? What the f*ck is going on in my head? Hindi naman ako ganitong mag-isip. Narinig ko lang ang boses n'ya ay natameme na ako. Humigit ako ng isang malalim na hininga at inayos ang sarili ko. "What can I do for you?" tanong ko sa kanya. "Well, I am arriving tomorrow morning and I want to see you. Can you take a day off tomorrow and spend it with me?" "I don't think it's necessary for us to see each other. Our lawyers can talk to each other and --" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nagsalita na s'yang muli. "Sweetheart, I don't take no for an answer. Make yourself available tomorrow. May mahalaga tayong pag-uusapan. I have to go now. I'll expect your presence tomorrow at home. My driver will pick you up at your penthouse. Take care," sabi n'ya sa akin. Pakiramdam ko ay umakyat na lahat ng dugo ko sa ulo sa inis sa kanya. One, he cut me off. Two, he is telling me what to do -- just like my father! My God! Can't he take a hint? Sinabi ko na nga na ayaw ko s'yang kausapin. Ano bang pagkakaiba kung mga lawyer namin ang mag-usap? It was the same process when we got married. I don't even know it was legal to get married ng hindi magkaharap. But when you have money, halos kahit anong maisip -- kayang kaya na isakatuparan. Well, if he think I will stay put -- nagkakamali s'ya. And what home is he talking about? Sobrang taas ba ng lagnat nya at nagdeliryo na s'ya? Ah! Bahala s'ya sa buhay n'ya. I'm going to the beach tomorrow. I picked up my phone and called Katherine. "Kath, where are you?" tanong ko sa aking kaibigan. "Dye, what do you want? Alam kong hindi ka tatawag ng wala kang kailangan," himutok n'ya sa akin. Bihira ko lang kasi s'yang tawagan kahit mag-bestfriend kami. Kung wala din lang okasyon ay hindi kami nagkikita o nag-uusap. Busy na rin kasi s'ya sa buhay may-asawa at may isang anak na sila. Inaanak ko nga ang panganay n'ya. "Do you have a couple days to go with me on a trip?" tanong ko sa kanya. "Trip? Where?" Mukhang bigla s'yang nasabik. "Hmm. Anywhere but here. Basta kailangan makaalis tayo bukas na bukas ng maaga," sabi ko sa kanya. "Teka nga, may tinatakasan ka ba?" tanong n'ya. "Wa--" "Oh. My. Gosh. He is coming isn't he? He is finally showing himself to you? This is exciting!" Narinig ko pa ang pagpalakpak n'ya. "Kath, what is so exciting about that? I want out of this -- whatever you want to call it," naiinis kong sabi na tinawanan lang n'ya. "I can't go with you tomorrow kung bukas na ang alis natin. Walang magbabantay kay Miranda at magpapaalam pa ako kay William," sabi nito sa akin. "Fine, then I'm going without you." "Dye, huwag ka ng magtampo. Alam mo naman ang mommy duties ko, pero love kita. If you want, huwag ka na lang umalis bukas at dito ka na lang matulog. Mag-sleepover ka sa amin." "Actually, I like that idea. I'll sleepover tonight para makalaro ko rin si Mira." Naisip ko, hassle din naman kung pupunta ako sa beach mag-isa. "O sige, anong gusto mong ulam? Ipagluluto kita." "Ginisang balatong at tuyong pusit," sabi ko sa kanya. "What?" gulat n'yang tanong sa akin. "That's what I want. Sawa na ako sa mga kinakain ko sa labas. Sa condo naman ay hindi ako nagluluto. You know me and kitchen work, we don't get along," napangiwi kong sabi. Wala akong talento pagdating sa kusina pero kung marketing at kung ano-ano pang strategies na related sa business, kaya kong gawin. Hindi pa nag-iinit ang pwet ko sa upuan may solusyon na kaagad ako. Pero sa pagluluto, magugutom ang kasama ko sa bahay kung ako ang hihintayin na gumawa. Pinaka-ayaw ko ang mag-bake. Ugh. I hate waiting. xxx Dala ang overnight bag ko ay nagtungo ako sa bahay ng mga Cepeda. Agad akong sinalubong ng tatlong taong gulang na si Mira. William got home late kaya kami lang ang magkakasalong kumain. Nagkaroon din kami ng pagkakataon na makapag-usap ni Kath. Kinukumbinsi n'ya akong bigyan ng chance ang lalaking 'yon. Kung alam lang n'ya, nagfile na ako ng annulment. Ang alam n'ya kasi ay nirereto lang ni Daddy si Lorenzo -- I mean Lance, whatever his name is. Pasado ala una na kami natapos sa pag inom ng wine at pagkukwentuhan ng kaibigan ko. It is the weekend. Usually though, kahit araw ng Sabado ay nasa opisina pa rin ako. You can say, I have no life. But now, with this IVF plan --- magiging busy na rin ako. Ipa-coconvert ko na baby room ang extrang kwarto sa condo ko. Neutral colors para kung boy or girl ang magiging baby ko ay tama lang. I planned everything in my head at kahit hindi ko isulat ay natatandaan kong lahat. That's the beauty of having a great memory. Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang bigat ng nakapatong sa akin. Nang imulat ko ang mga mata ko ay may braso at binti na nakadantay sa akin. Satin ang suot kong short at spaghetti strapped top kaya damang dama ko ang init galing sa balat n'ya. Who the hell is this guy? Medyo disoriented pa ako kahit mataas na ang araw sa labas. Ano bang oras na? When I glanced at the wall clock with eyes half shut ay nagulat ako. Alas diyes na?! "Go back to sleep, will you? I am so tired," angil ng lalake sa akin. Okay, hindi ko naman s'ya ginigising. Pero s'ya na nga ang nakikitulog sa kamang ipinagamit sa akin ni Kath ay s'ya pa ang reklamador. "Stop moving," naiinis na sabi nito Napipikon na talaga ako sa kanya. "I'm sorry, but what are you doing in my room? Sino ka ba?" "Wala ka talagang idea? Kahit kaunti?" Nakabaon sa unan ang mukha nito habang nagsasalita at halos hindi ko marinig ang sinasabi n'ya. Magkatabi pa rin kami sa kama at hindi ako makabangon. "Nope, I don't know who you are. And if my husband learns that we are sharing the same bed, he is going to f*cking kill you. Or better yet, my father will beat the s**t out of you then bring you to the middle of the ocean and feed you to the sharks. Take your pick." Sinubukan kong i-angat ang braso n'ya para makatayo ako pero walang epekto. Ang bigat n'ya at ang haba pa ng kalis n'ya. Sa height kong five feet nine inches ay higit s'yang matangkad sa akin. Sa tantya ko ay nasa six feet s'ya. Sukat pagkasabi ko ng mga pananakot ko sa kanya ay yumugyog ang kama at narinig ko ang impit n'yang tawa. "What the hell is so funny now?" tanong ko sa kanya. "Ikaw," maikling sagot n'ya sa tanong ko. "At bakit?" Umultaw ang ulo nito at nagmulat. He has the most beautiful green eyes and... f*ck me, he is gorgeous. Sino 'to? "You looked like you want to eat me. Just letting you know I'm yours for the taking. Don't bother with the IVF, Dad told me you want to have a baby. So let's make one. In fact, we can make one now. Just let me rest for a bit, kadarating ko lang at sobrang pagod ko baka hindi tuma -- I mean, just give me a couple hours of sleep and I'm all yours." Pagkasabi nito ay kinabig ako palapit sa kanya at ibinaon ang mukha n'ya sa leeg ko. Hindi nagtagal at malalim na ang hinga nito. Mukhang pagod na pagod nga. Shit. He is my husband, isn't he? Lorenzo Tarrayo is not ugly at all. Not short nor dark. He's a tall, Spanish mestizo with the most beautiful green eyes, aristoctratic nose and thin, kissable lips. S'ya ang asawa ko. At gusto n'ya akong bigyan ng anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD