DYE Nahihiya pa rin ako at hindi sanay na kasama sa iisang bahay si Lance. Yes, he insisted that I call him using his nickname. Kapag daw Lorenzo ang tawag ko sa kanya ay parang galit ako. At sa lahat ng nangliligaw, s'ya 'yong maangas magnakaw ng halik. Nang makita ko s'yang hawak ang litrato na 'yon na kuha noong mga bata pa kami ay may kung anong humaplos sa puso ko. There was some kind of familiarity at sa totoo lang, hindi mahirap gustuhin si Lance. He's sweet and very generous. Maintindi s'ya sa akin to the point na minsan, pakiramdam ko ay ayaw na n'ya akong paglakarin kasi baka mapagod ako. S'yempre hindi naman umaabot doon at silly comparison ko lang . At hindi ko maiwasan na hindi kiligin. Sana pala ay noon pa s'ya nagpakita sa akin para na-enjoy namin ang nakaraang limang tao

