DYE Lance had the funeral arrangements and had Eliana cremated. Ang buhay ng tao ay walang kasiguraduhan. Pwedeng mahaba, pwede din na maiksi. Ang iba ay nasa bingit na pero nabibigyan pa rin ng isa pang pagkakataon while others don't stand a chance. Sabi nga nila, hiram lang ang buhay natin so live your life to the fullest para sa huli, walang regrets. The day was cloudy at parang nakikisama ang panahon sa pagdadalamhati namin sa pagkawala ng isang kaibigan. And call me crazy, pero nang pasakay na kami sa kotse dito sa sementeryo ay nakita ko na naman ang pamilyar na kotse na sumusunod sa amin noong gabi na galing kami Palawan. May dinalaw rin ba sila dito? Sabagay, hindi lang naman kami ang namatayan ng mahal sa buhay. Nang makasakay kami sa sasakyan ay dinala namin sa villa si Ethan.

