LANCE Nang makabalik kami sa bahay na tinitirhan nila ay tinulungan ako ni Ethan bitbitin ang mga pinamili namin. He was so excited at hindi magkaintindihan kung paano iseset up ang console. Hinayaan ko s'ya dahil ang sabi n'ya sa akin ay alam na n'ya ang kanyang gagawin. Kahit naman bagong edition ito ay iyon pa rin ang instructions. Nakita ko si Eliana na nakatingin sa anak n'ya at kahit may ngiti ay mukhang may lungkot. Inabot ko sa kanya ang pizza box dahil nagrequest si Ethan nito. He likes Hawaiian pizza while I like pepperoni. May mga bagay kaming pinagkakaiba pero mas marami ang pareho. Normal lang 'yon dahil wala namang dalawang tao na magkapareho sa lahat. "Nirequest ba 'to ni Ethan?" tanong sa akin ni Eliana. Tumango ako. "Nakita n'ya 'yong pizza place on the way pabalik di

