DYE I called my father back the next day and met him for dinner. May meeting si Lance at hindi s'ya makakasama sa amin ni Daddy. Tama ang asawa ko. I shouldn't shut the people who love me. Sila ang sandalan ko ngayong namimighati ako sa pagkawala ng anak ko. Mahirap para sa akin ang mag-open up pero pinipilit ko for my own sanity. Depression is real and can kill anyone at ayaw kong dumating sa punto na hindi ko na kaya ang lungkot at mas gusto na lang kitilin ang buhay ko. Panghahawakan ko ang pag-asa na maayos ang pangangatawan ko at maaari pa akong magkaanak. Para kay Lance. Para sa pamilya namin na binubuo. "Anak, mabuti naman at nakarating ka. Akala ko ay hindi mo ako sisiputin." Yumakap sa akin si Daddy at nakita kong nag-order na s'ya ng paborito kong appetizer. Ang tayo ng

