DYE Hindi ko alam kung buntis ako dahil hindi na ako nagtrack ng period ko. Pagkatapos kong maraspa ay hinayaan ko na lang at itinaas ko na sa Diyos ang lahat. Kung mabubuntis ako ay mangyayari iyon sa tamang panahon. Lance and I are not using contraceptives so there is a possibility na nagdadalang tao nga ako. Even Nanay Esme asked earlier today kung buntis ako dahil magana daw akong kumain. "I don't know. Wala na akong test kit dito. I can buy some tomorrow," sagot ko sa kanya. "Mas mabuti kung magpablood test ka na bukas. Sasamahan kita. Also, set up an appointment with Dra. Valentin." "Okay, that's fine. I was thinking I will visit Eliana tomorrow too, kung pwede. Kailan ba malalaman ang result ng DNA testing? To be honest, at this point it doesn't matter kung anak mo si Ethan o hi

