IMBES na makatulog na sana dahil puyat siya ay hindi niya magawa. Bukod sa iniisip niya ang ina sa ospital ay naba-bother din siya sa presensiya ni Alexander Chase. Nasa sala ito. Doon niya ito nilatagan at pinatulog. Bagong tuli si Winter at makipot lamang ang kama nito kaya hindi ito puwedeng may katabi o nakakalat sa sala. Tutal naman ay sanay sa malawak na higaan si Alexander Chase eh 'di mahiga ito roon dahil medyo malawak ang gugulungan nito. Hindi na niya ito pinauwi dahil malalim na ang gabi. Mahaba pa ang naging kuwentuhan nito at ni Winter kanina kaya inabutan doon ng hatinggabi. Tahimik na ang gabi kaya konting galaw lamang nito ay naririnig niya. Malamang hindi ito makatulog. Hindi sapat ang comforter niya para lumambot ang higaan nito. Isa pa ay hindi ito sanay sa

