Pagkatapos ng eksenang iyon ay naging maayos ang lahat. Hindi kami dumaan sa tamang daan ni Linus at tumakas sa likurang bahagi. Napailing si Diego at kahit na ayaw niya ay wala rin naman siyang nagawa. I don't want to be away from Linus, kaya sumama ako sa kanya. Si Diego na muna ang bahala kay Lolo at pag-iisipan ko pa muna ang lahat. Magulo pa kasi sa akin ito at hindi ako interesado sa kompanya. "Welcome home, sister-in-law!" baliw na yakap ni Ranger sa akin. Natulala ako, dahil hindi naman talaga niya ginagawa ito. Agad siyang tinulak ni Linus at inalayo sa katawan ko. "Bro, naman!" reklamo ni Ranger. "I miss her too," pilyong ngiti niya na parang bata. "Umayos ka!" buo at mababang boses ni Linus sa kanya. "Saraid?" si Diezel, kalalabas lang niya galing kusina. Napakunot-noo

