"Kirsten." Nahinto ako at nilingon siya. Hiya siyang ngumiti at pormal na lumapit sa akin. I stared at him like I'm questioning everything. Hindi muna ako pinapirma ni Atty Ferer dahil mas maganda raw na mag-usap kami ni Simon. Mas maganda raw na mag-usap kami na wala sina Tiya at Silva sa harapan namin. "I'm sorry, Kirsten. . . I didn't know," panimula niya. "Are you free to talk?" seryosong titig niya sa mga mata ko. Napalingon ako kay Diego at tumango siya. Humakbang na din siya palayo sa amin. "Let's go upstairs. Shall we?" pormal na ngiti niya. We took the private elevator and every staff eyes were on us. Taas noo akong naglakad at inayos ang postura ko sa lahat. Tahimik kaming dalawa sa loob ng elevator at bakante ang utak ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil gutom ako at

