"Sanay ka naman siguro sa hirap ano?" pilyong ngiti niya at inilapag ang iilang kumot sa kama. "Dito ka matutulog at sa labas ako." Tumalikod siya at kinuha ang supot sa gilid. "Ano ba size mo?" sabay titig niya sa kabuuan ko. "Hmm, extra small ka yata? Small?" kunot noo niya. "M-medium," hiyang tugon ko. "Medium? The hell, you don't like medium to me, Saraid. But if you come to think of it naubos mo nga naman ang dalawang burgers, e medium ka nga," ngisi niya. "I'll be right back, and please don't go anywhere. Maraming manyak sa labas kaya dito ka na lang muna. Walang magkaka-interest sa'yo rito kaya huwag ka ng lumabas," ngiti niya at napangiwi ako. . Pinagmasdan ko siyang maigi at hindi ko tuloy maintindihan kung bakit ko pinagkakatiwala ang buhay ko sa medyo baliw na taong it

