"Are you ready?" si Carmella. Ngumiti siya sa akin at inayos ang buhok ko. She treat me nicely last night and pampered me well. Mabait naman pala siya. Ang akala ko kasi ang arte niya. Napagtanto ko na maarte lang siya kapag kaharap niya ang mga lalaki. Pero kapag kami lang dalawa, ay totoo na siya sa sarili. "Salamat, Carmella," ngiti ko. "Para ano? I haven't done anything," she smirked but in a nice way. "I had the best sleep last night. Salamat talaga. . ." "Wala iyon. Let's hang-out tonight and go out for a drink. Gusto mo ba?" kinang ng mga mata niya. Kumurap ako, at naghalo ang takot at excitement sa loob ko. Hindi pa kailanman ako nakapunta sa mga bar, at madalas ay naririnig ko lang ito kay Silva. "S-sige ba. . ." "Sure? Okay, great! I'm sure magugustuhan mo. Maghahanap tay

