Nakahinga ako nang maayos nang makalabas kami sa venue. Hindi ko na makita si Diego at pati na ang kasama nilang isa kanina. Kaming dalawa na lang ni Linus ngayon. Maingat niya akong binaba at inayos ang damit ko. Pilit niyang hinihila ito pababa. Hanggang tuhod lang kasi ang taas ng damit na ito. Hindi na ako nahihiya sa bawat piklat ko sa balat alam ko kasi na may isang tao na tangap ako sa kung anoman ang pisikal kung anyo. Napangiti ako at ramdam ko ang haplos na ginawa niya sa balat ko, sa legs na bahagi ko. Bahagya siyang nakaluhod at dinukot ang panyo sa bulsa niya. Pinunasan niya pa ang ang kanang bahagi ng hita ko. "Ano ba'ng meron?" sabay tingin ko. "Just a little mark. It's okay. It's gone." Napanguso ako sa sarili at tunaw na ang puso ko ngayon habang pinagmamasdan siyang

