Nakakapagod ang mahabang biyahe pero nakatulog naman ako ng maayos. Pribado nga naman ang lahat at kami lang din ang pasahero buong magdamag. Hindi ko na nga namalayan na nakarating na kami sa isang ekslusibong isla na malayo sa lahat. Nagising na lang ako nang mag anunsyo ang piloto na lalapag na ang eroplano. "Welcome to my humble abode," sabay yuko ni Diego. Makailang beses kong minulat ang mga mata dahil pakiramdam ko ay nahuhulog pa din ito, inaantok pa ako. Hanggang sa lumiwanag ang lahat sa akin at namangha ako sa ganda ng Isla. "Woaah. . . S-sa'yo 'to?" tulalang titig ko kay Diego at kumindat lang siya. "This is my paradise here in the Philippines, Saraid. . . The De Luna Paraisla," proud na ngiti niya at namaywang siyang tinitigan ang pinaktuktok nito. Mula rito ay makikita m

