"Come here, Saraid. I will show you something." "H-ha? O-okay. . ." hiyang tugon ko at napayuko ako. Humakbang ako papalapit kay Kyla at nahihiya ako sa kanya. "It's okay," sabay hawak niya sa kamay ko at napangiti ako. Maaliwalas ang kwarto nila at ang laki-laki nito. Naalala ko tuloy ang kwarto nina Mama at Papa noong bata pa ako. It was like this, it was huge with all the antiques, and the place smells so beautiful like a mixture of cooking vanilla and flowers. Ang bango at ang ganda. "Pasensya ka na sa kwarto namin ni Enzo. Pinabago ko kasi ang desenyo at sa bahaging ito ang nursery area para sa kambal," ngiti niya at akmang pupulutin sana ang nahulog na damit na hawak niya. "A-ako na!" agad ko itong pinulot at binigay muli sa kanya. "Thank you, Saraid," she genuinely smile and m

