"Sana hindi ka magsasawa sa lugaw," ngisi ko at maingat ang paglapag ko nito sa mesa. Abala ang mga mata niya sa laptop at sumilip ako sa ginagawa niya. Wala akong naintindihan dahil purong numbering codes ito. Kaya mariin ko na lang na menasahe ang balikat niya. "H-hindi ka pa ba gutom?" saad ko at pumwesto na ako para maupo sa tabi niya. "Later, baby. After this," sagot niyang hindi tumititig sa akin. Buong araw akong natulog kahapon at gabi na nang magising. Nagising ako dahil sa gutom at kumain. Wala na kaming isda at iilang de latang sardinas at instant noodles ang mayroon pa. Kaya lugaw na ang niluto ko at asin lang din ang nilagay ko rito. Bahagya siyang napatingin sa plato ko at kumunot na ang noo. Nahinto sa ginagawa at tinitigan ako. "Do you want some?" sabay subo ko sa bib

