"Iha,' sabi ni Chairman Sebastian ng makalapit samin nila Tatay James.
"Po," mabilis kong tugon.
"Halika ka at ipapakilala ka namin ng personal sa mga executives. Alam kong kilala mo na sila sa meetings natin thru webex pero iba pa din yung makausap mo sila."
"Ok po." At isa isa namin nilapitan ang mga ito kasama si Tatay James. Inisa isa niya ang mga pangalan ngunit halos naman lahat ay kilala ko na kaya hinde ako nahirapan pang kabisaduhin ang mga names nila.
Iha welcome to the board. Congratulations Iha. Nice to meet you personally iha. Chairman, ang ganda naman pala ng mamanugangin mo. Kabi kabilang bati ng lahat. Ako pala ang pinakabata sa grupo.
Salamat po. Sunod sunod na tugon ko habang isa isang kinakamayan ang mga bisita.
Sa araw na ito ay siniguradong walang guest. Sayang nga at ang daming calls at inquiries pero lahat ay tinanggihan dahil sa order na dapat ay exclusive ang event na ito. Sa mga bisita pa lang kasi ay fully booked na.
Sa takot kong madismaya ang mga parokyano at mga client ng Pine Vines, inofferan ko sila ng 5-10% discount sa accomodation basta magcheck-in pa rin sila within this week. I also posted announcement sa page ng Hotel at dahil dito ay nafully booked agad kami simula bukas. Kaya bukas ay simula na naman ng busy days.
Iha, did you see Blake? I can't find him. Puna ni Chairman.
At muli ay umikot ang aking ulo upang hanapin ang missing in action na si Blake. Hinde naman nawawala ang kaba sa dibdib mula pa kanina kaya sa tingin ko kailangan ko ng hanapin.
Sige po, wait lang hahanapin ko po. I will look for him upstairs.
Ah iha, hayaan mo na muna sya, baka inaayos ang mga kailangan dahil sinabihan ko syang bukas o sa makalawa ay lilipad kami pa US, dahil sa planong expansion. If given a chance we will again hire Mr. Aguilar as the US Consultant. Sabi ni Chairmain.
Kumislap ang mata ni Tatay James sa tuwa.
Sure, sure Chairman, sure na yes ang sagot ko dahil ayaw ko din iwanan ang The Vines. Malapad ang ngiting sagot nito.
So hinde ka mapapahinga dun pare kasi tutulungan mo kami sa expansion. I just give you about a month to be familiar with everything there then we'll set a meeting after. Bilin ng Chairman.
Sige pare. Masayang masayang sagot ni Tatay James.
Lahat ay nakangiti, masasaya. Ito naman kasi ang gusto ko sa kumpanyang ito, yun bang lahat ay masaya sa tagumpay ng isa, walang lamangan, inggitan, lahat ay very workaholic at may puso para sa Pilipino. Ako lang yata ang hinde mapakali, hinde dahil sa takot na hinde ko magampanan ang tungkulin ko as VP of Marketing kundi kay Blake na alam kong may itinatago at may ginagawang milagro. Woman's intinct kumbaga.
Iha, kahit si Blake ay hinde alam ang promotion mong ito. Surprise ito pra at least pag may visit sa ibang branches ay maisama ka na nya. Isa pa umaasa akong mapabuti kayong dalawa. Dagdag na saad ng Chairman.
Ako, hinde ko alam kung dapat ba akong matuwa, parang hinde magandang idea na lagi kami magkasama dahil masyadong demanding si Blake.
We will wait for your visit sa branches iha, sabi ng ilang executives.
Ah anak, kailangan mo na nga pala maghire ng new manager dito sa Pine Vines dahil kailangan may mag oversee kapag kinailangan mong magvisit. Although mas trabaho yon ng VP of Finance due to weekly or monthly audit. You, as VP of Marketing, pede ka din naman mag stay dito dahil pede mo naman gawan ng program at lay out ang mga branches kahit nandito ka basta make sure na pagbisita mo sa knila eh kabisaduhin mo ang mga surroundings at hotel lay-outs. Iba iba ang theme ng bawat isa depende sa hinahanap sa isang lugar. Payo ni Mr. Aguilar.
Don't worry iha, we'll send you the lay out of the hotel. Di ba? sabi ng isang executive sa mga kasama at isa isa din namang nagtanguan.
Pangkaraniwan ay may isang mataas ang posisyon sa isang branch Tulad ni Mr. Aguilar na naka in din dito sa Pine Vines bukod sa manager na nasa area. Ang chairman at CEO ay nasa Manila. Kaya si Blake ay pabisi bisita lang dito kasama ang secretary na si Stella, my college friend. Yes, she is my close friend na di ko alam paanong bigla naging secretary ni Blake. Amusing ba? For me, mas more of being tricky! Kelan lang ay pumasok syang receptionist and then one night biglang nawala. Pagdalaw ni Blake, secretary na nya. Something fishy goin on. Isn't it? Isang hinala na pilit kong winawaglit sa isip ngunit lalong tumindi ng makita ko sila kanina.
Habang nag-uusap sila ay pasimple pa din akong lumilinga linga sa paligid sa pagbabakasakaling makita si Blake.