Pagkatapos namin magdinner sa canteen ay parang wala pang balak umuwi si Anton. Bitbit ang plato ng bibingka ay inaya ko si Anton sa likod kung san lagi ako nakatambay. Sa table kung saan kami nag candle light dinner nung isang gabi ay duon kami ulit naupo. Babe sa sabado ha, punta ka. Di ako sure kasi may meeting kami nun. Try ko mga dinner time. Sunduin kita? No, wag na. Ako na lang kasi baka may mga bisita ka nun. Ok lang naman yon. Di na, may car naman, ako na lang lalabas kasi di ko sure anong oras kami matatapos. Sige. Sarap talaga nito, gusto mo? Nakanganga naman si Anton paglingon ko kaya napilitan akong isubo ung nsa tinidor ko. Buti di ka nagsasawa sa bibingka ni Nanay? Ang sarap kaya nito paano ko magsasawa. Tsaka love na love ko ang Inay, di ko yun pagsasawaan. H

