Pagkakuha ng tubig ay napansin kong nakatitig si Anton. Basta ako ay willing kang pakasalan. Ikaw na ang bahala magdesisyon kung papayag ka o aalis ka. Pagkatapos nun ay umalis na si Anton at pumasok sa kwarto. Sige po Inay magpahinga na din po kayo. Sige anak magpahinga ka na din. Opo Inay. Pero sa halip na pumasok ng kwarto ay dahan dahan akong lumabas ng pinto at pumasok sa kotse. Mabuti na lamang ay dinala ko ito. At least dito ay makapag isip isip ako at kahit paano at hinde ako magiginaw. Dito ako nag-iiyak. Ano bang ginawa ko para ganituhin ako ni Blake? Siya na nga itong nanggago sa akin ako pang parurusahan niya. Maya maya pa ay nagpahid ako ng luha, sobrang sakit na ng mata ko kakaiyak. Masakit na din ang ulo ko. Naisip kong paandarin ang kotse at mag-ikot ikot. Minsan k

